Roma 10:17
Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.
________________________________
________________________________
_______________Ang pananampalatayang meron tayo ay nagmumula sa mga napapakinggan nating Salita ng Diyos at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol sa ating Panginoon. Ang pananampalatayang meron tayo ay depende kung paano natin nakilala ang Panginoon.
Paano ka magkakaroon ng pananampalataya sa Kanya kung di mo Siya kilala? May chance nga ba? Baka nga maging Atheist ka pa, dahil hindi ka naniniwala sa Diyos.
Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa mga bagay na impossible sa paningin ng tao, ang belief na alam mong nariyan Siya kahit di mo pa nakikita, at ang pagtitiwala natin sa Kanya.
Hindi ka magkakaroon ng faith sa hindi mo kilala. Sige nga, paano ka maniniwala sa mga sinasabi ko kung di mo ako kilala? Paano mo ako pagkakatiwalaan eh di mo naman ako kilala?
Kaya ang faith na meron tayo na galing sa puso ay nakadepende rito sa kung paano ay gaano natin nakilala si Lord.
***
Huwag nating isang walang bahala ang tungkol sa Panginoon at ang mga Salita Niya. Magbasa ka ng Bible para mas lalo mo Siyang makilala at sa gayon magkaroon ng faith sa Kanya. Pray ka rin dahil impossibleng magkaroon ka ng faith at makilala si Lord without praying.
Remember this : "Hangga't hindi mo nakakausap ang isang tao, ay hinding-hindi mo siya makikilala?"
Parang ganun lang din si Lord. Through prayer, makakausap natin Siya.
Prayer ang pinakamalakas na wireless connection sa lahat.
~~
Mas lalago ang pananampalataya natin sa Diyos kung tayo ay nakikinig ng Salita ng Diyos at lahat ng tungkol sa Kanya.
Stay in faith! Kapit ka lang kay God. Mawala lang ang lahat sa buhay mo, wag lang si Lord sa buhay mo..
____
Hindi tayo magkakaroon ng faith kung di tayo nakikinig/nagbabasa ng Salita ng Diyos. Dahil ang faith mo ay nakadepende kung paano mo Siya nakilala. Kung may faith tayo sa Kanya pero di tayo nakikinig/nagbabasa/di interesado sa mga Word ni God, di nagdarasal, at marami pang iba na may kaugnay sa Kanya ay baka maging dahilan ng hindi paglago ng faith mo.
~~
"Mawala man ang lahat ng bagay sa mundo,
Huwag lamang ang iyong pananampalataya na nagmumula sa puso..."
Your loving writer , (feeling)
Deleesha Faith
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...