***Sulat na Para sa Iyo- Spoken Word Poetry

2.1K 21 0
                                    

"SULAT PARA SA IYO"

Pwede bang humingi Ako ng oras sa 'yo?
Kahit saglit lamang dahil mahalaga ito
May nais lamang Akong sabihin sa iyo
Alam Kong napakaraming bagay na s'yang pinagkaka-abalahan mo.

Kumusta ka na?
Kumusta na ang buhay mo rito sa lupa?
Naalala mo pa rin ba Ako?
O naging abala ka na masiyado sa mundo?
Huwag ka nawang papadala sa anumang tukso
Gagabayan kita, anak ko.

Basta masaya ka, masaya na rin Ako
Kung malungkot ka, nalulungkot din Ako
Parang Akong salamin sa inyo
Pero kung ika'y tinalikdan ako, hindi kita iiwan
Hindi rin pababayaan
Lagi kang susubaybayan
Kung ika'y magbago, Ako'y mananatili pa rin kung ano at sino Ako kahapon, ngayon, at magpakailanman.

Alam mo ba, sumunod Ako sa 'yo rito sa lupa
Inalay ko ang Aking buhay para sa 'yo
Ginawa Ko ang lahat ng 'yon dahil gusto Ko-
Gusto Kong malaman mong mahal na mahal kita
Na kahit anong mangyari, hindi 'yon magbabago
Na hindi mawawala.

Lumapit ka sa Akin at bibigyan ng kapahingaan
Pagod at hirap ka na- 'yan ang katotohanan
Batid ko ang iyong mga nararamdaman
Ang lahat ng iyan ay Aking naranasan
Noong Ako'y nagkatawang makasalanan
Upang malaman at maramdaman mong mahal kita- higit pa sa iyong inaasahan
Upang maligtas at makalaya ka sa kasalanan.
Sinasabi mong, "Okay ka lang."
Pero alam kong, hindi.
Ilabas mo ang lahat ng iyong saloobin- ika'y iniintindi
Ika'y yayakapin ng mahigpit
Mahalaga ka sa Akin- higit pa sa iyong iniisip.

Gusto kitang alukin ng isang relasyon- Ako at ikaw- tayo
Relasyon na mas matatag pa sa meron sa nakakasalamuha mo
Relasyon na walang katulad, walang kagaya sa anumang nasa mundo
Walang "Break na tayo, ayoko na sa relasyon natin."
Walang ganoong maririnig mula sa Akin
Hinding-hindi kita sasaktan
Bagkus pagkakalooban kita ng kapahingahan.

"Walang forever," Ang gasgas na linyang kumalat sa mundo
Naniniwala ka ba rito?
Kung gano'n, hayaan mong baguhin Ko ang pananaw mo
Pag-ibig Kong walang hanggan ay ipapadama sa 'yo
Hindi magmamaliw at magbabago ang pagmamahal ko sa 'yo.
May forever sa 'tin kahit na iwan ka ng lahat sa mundong kinagagalawan mo.

'Wag kang mag-alala, nandito Ako, naghihintay sa 'yo
Alam mo bang kasama mo Ako- sa lahat ng bahagi ng buhay mo?
Kahit sa'n ka man magpunta, ika'y Aking binabantayan, binibigyan ng sapat na lakas
Sa lahat ng mga bagyong iyong dinaranas
Kasama mo Ako hanggang wakas.

Palagi kitang sinusundan- o bakit kay bilis mong tumakbo papalayo?
Gusto Kong magkasabay tayo sa paglalakad mo
Sa mga pakikipagsapalaran mo sa mundong ito
Gusto Kong mapayapa ka sa piling Ko
Gusto kitang samahan
Patungo sa tamang landas- sa Aking daan.

Pero minsan nakakalimutan mo na Ako-
Nakakalimutan mo na nandito lang Ako palagi para sa 'yo
"Hindi kita iiwan." Ilang beses mo na itong narinig sa iba
Sinasabi ko sa iyo, iwanan ka man ng lahat, ngunit handa Akong damayan at samahan ka.

Lahat ng mga luha mo'y kino-kolekta Ko
Ayokong nakikita ka na nalulumbay ngunit ginagawa Ko ang lahat para sa ikakabuti mo
Kaya ipinahintulot Ko ang mga pagsubok sa 'Yo sapagkat alam Kong malakas ka- kasama Ako
Alam Kong patatatagin ka nito.

Kapag may problema ka, malapit tayo
Ang saya-saya Ko kasi sa mga pagkakataon na 'yon, nagkaka-usap tayo
Pero kapag wala kang problema, nawa alalahanin mo pa rin Ako.

Minsan, nawawalan ka na ng oras para sa Akin- marami kang pinagkaka-abalahan
May ka-text ka, nag-i-internet ka, naglalaro sa cellphone, at iba pa iyong kinawiwilihan
Hindi ba sabi mo sa Akin:
"Mahal kita, Lord!"
"Ikaw ang number one sa buhay ko!"
Pero bakit iba ang nakikita Ko?

Alam mo naman na seloso Ako sa mga mas inuuna mo kaysa sa Akin
Kung makapaglaan ka ng oras para sa Akin..
Minsan nagmamadali ka
Maraming ginagawa.

Kapag ika'y matutulog, nais Kong marinig ang tinig mo
Kahit alam Ko na ang lahat ng mga nangyari sa 'yo
Nais kong marinig ang mga kwento mo
Ngunit dahil pagod ka na, tinulugan mo na Ako.

Huwag kang mag-alala
Binabantayan pa rin kita
Pinagmamasdan ka hanggang sa paggising mo
Sa kamamadali mo'y nakalimutan mo nang kausapin Ako
Okay lang.. O-Okay lang dahil mahal na mahal kita.
Maghihintay muli Ako ng mga oras na kung saan ay maiilaan mo sa Akin
Sasamahan pa rin kita sa mga haharapin mo pagkagising
Lagi kitang binabantayan at magpakailanman mamahalin.

Nang isilang ka, saksi Ako sa una mong hininga sa mundong ito- ang iyong unang iyak
Ang lahat ng iyong tinahak.
Sinasabi Ko sa 'yo na hindi mo man Ako kilalang lubusan..
Ngunit kilalang-kilala kita- lahat ng galaw, lahat ng tungkol sa 'yo
Lahat ng iniisip mo,
Lahat ng balak mo,
Lahat ng gusto mo,
Lahat ng plano mo,
Alam Ko.
Ngunit sa kabila nang lahat ng ito
Gagawin Ko ang best para sa 'yo.

Hindi Ko man ibinigay ang iyong mga gusto
Nawa maunawaan mo
Maunawaan mo na may mas malaki ang plano Ko sa 'yo
Kaya maging masaya ka, ngumiti ka para sa Akin
Magalak ka palagi sa Akin.
Hindi mo man Ako napapansin
Ngunit, Ako'y nagpapapansin sa 'yo
Wala Akong pakialam kung mukha Akong KSP (kulang sa pansin) sa paningin mo
Ang mahalaga, mahal na mahal kita, anak Ko
Kaya ko inalay ang buhay Ko sa 'yo
Para ika'y maligtas sa iyong mga kasalanan- sa kapahamakang haharapin mo.

Ayokong sinuman sa inyo ang mapunta sa impiyerno
Alam niyo bang sobrang masakit sa Akin ang may taong mapunta sa lugar na 'yon?
Kaya Ko inilay ang buhay Ko
Kulang ba ang nagawa Ko?
Ang pumili ng lugar na 'yon ay ang tao mismo
A

lam niyo bang hindi nilikha ang lugar na 'yon para sa mga taong mahal na mahal Ko
Para iyon sa mga diyablo!
Ngunit kung hindi Ako ang pinili mo, alam mo na kung sino ang ipinalit mo
Habang buhay ka, makakapagsisi at may pag-asa
Sa impiyerno'y hindi na ito magagawa
Sapagkat huli na ang lahat para sa pagsisisi pa.
Huwag mong hayaang ang pagsisi mo ay masiyadong huli na.
Mga pagkakataon na meron ka'y habang buhay ka
Huwag nawang masayang pa.

Sa lahat ng mga kasalanan mo'y, ika'y magsisi at talikuran ito
At patawarin mo rin ang mga nagkakasala sa 'yo
Magtiwala at manampalataya ka ng buong puso
Maniwala at patatagin ang loob mo
Madarama ang tunay na kalayaan sa puso mo.

Sumuko ka man sa Akin ngunit hindi Ako susuko sa 'yo
Ang mga oras ay tumatakbo
Nandito pa rin Ako, naghihintay sa 'yo
Nawa sa muli Kong pagbalik sa mundong ito
Sa wakas- na walang may alam kung kailan darating- ang Ama lamang ang nakakaalam nito
Babalik Ako hindi para sa mga makasalanan
Babalik Ako para isama ang mga banal- ang mga taong naging tapat
Naging tapat hanggang wakas kahit maraming pagsubok na hinarap.
Nawa kasama kita sa Aking kaharian
At iyon ang katuparan ng Aking mga pangako- kayong mga tunay na sa Akin
Sa mga taong namuhay ng matuwid at nakakalugod sa Akin.

Nawa papasukin mo Ako sa iyong buhay
Ang puti at itim, gagawin Kong makulay
Palagi mong alalahanin ang unang pag-ibig mo sa Akin
Huwag maging maligamgam- minsan mainit, minsan malamig
Maging madasalin
Huwag kalimutang pagbulay-bulayin
Ang Aking mga Salitang mananatili magpakailanman
Maging tapat at matatag ka lang
Alalahanin mong Ako'y iyong kasama sa lahat ng pagkakataon
Lungkot at labis na pag-aalala sa buhay, iyong ibaon
Sapagkat walang makakapaghiwalay sa atin, kahit anong nilalang pa iyon.

Walang hanggang pag-ibig na ipapadama. Para sa iyo ito, anak. -Panginoong Jesus

____

©NylNed20

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon