#PleasingMen

2.2K 19 1
                                    

****

"You can't please everyone,"

Hindi lahat ng tao magugustuhan ka. May kakaayawan sila sa iyo. Kahit anong gawin mo ay may makikita pa rin silang kamalian sa iyo. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat para magustuhan ka nila. Kasi mahirap ang mabuhay kung may ipini-please kang tao. Iyong pakiramdam na hindi ka malayang gawin ang gusto mo. Or you feel like you are prisoner because of pleasing people. O sa madaling salita, pinahihirapan mo lamang ang iyong sarili. Iisipin mo ang iisipin nila sa iyo kung gagawin mo ang ganito o ganoon. Hayaan mo lamang ang sasabihin nila sa iyo. They don't know what you feel in your situation. They will never understand it unless they also experience it.

"Bakit ka ba ganyan?" "Bakit ganito ang ugali mo?" Ilan sa maaaring itanong sa iyo ng mga taong namumuna. Huwag mo na lamang pansinin. May mga tao talagang ang hilig pumuna ng kamalian ng isang tao without seeing themselves– seeing own mistakes.

Take it as a lesson, kung may real talk sila sa iyo. Consider it as their opinion and it's up to you kung tatanggapin mo ang sinabi nila o isasawalang-bahala. Para sa iyo rin naman.

Sa lahat ng pagkakataon, ang mahalaga ay ang pagiging totoo mo sa iyong sarili. Iyong gagawa ka ng bagay na bukal sa iyong kalooban– hindi yung napipilitan ka lamang sa isang bagay. Nagbigay ka nga, pero batid Niya na hindi bukal iyon sa loob mo– o masaya ka sa pagbibigay mo. Mahirap gumawa ng isang bagay na hindi maluwag sa iyong damdamin. Para lang magustuhan nila, keyso ganito ganyan ang reason.

Hindi ko naman sinasabi na maging masama ka na sa pagiging malaya na sa pagpiplease ng tao. Gawin mo lamang ang tama na maluwag sa iyong damdamin. Stop pleasing men. Wala ka lang mapapala, mahihirapan ka lamang. Instead, start to please God– mas maganda pa iyon. Ang hirap hirap kayang mabuhay ng may piniplease kang tao. (Paulit-ulit hahaha.)

Maging totoo sa lahat ng pagkakataon at huwag magpanggap. Magpakatotoo ka lamang at ilabas mo ang tunay na ikaw. Huwag mo nang isipin ang mga taong walang ibang ginawa kundi tumingin ng pagkakamali mo. Hindi mo naman ikakamatay ang mga pamimintas nila sa iyo. Gawin mo ang lahat ng bagay na maluwag sa iyong kalooban. Huwag magsawa sa paggawa ng mabuti. May pagkakataon talagang mahihirapan ka ng gawin ang tama at mabuti, pero huwag kang magsawa. Lagi kang nakikita ni Lord. :)

God bless !

Galatians 1:10 Am I now trying to win the approval of human beings, or of God? Or am I trying to please people? If I were still trying to please people, I would not be a servant of Christ.

NylNed20

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon