If you love Me, keep My commandments (John 14:15)
_______
Paano ka ba magpakita ng pagmamahal?
Hindi pa sapat na sabihin mo ang magic 3 words, "I love you!" para masabi mong mahal mo talaga siya. It's 3 seconds to say, but it takes lifetime to prove it.
Madaling sabihin na mahal natin ang isang tao ngunit mahirap patunayan. Pero iba ang nagagawa ng tunay na pagmamahal.
Minsan, may mga tao na hanggang salita lang. Mahal na mahal ko si Lord! Waah! Tapos hindi naman nakikita sa gawa kasi nanatili nalang na hanggang salita. Huwag gano'n kasi ang lahat ng ating winika o mga ginamit na salita sa mundong ito ay ating pananagutan sa Diyos.
Sabi sa bible kasi, 'If you love Me, keep My commandments (John 14:15)'.
Sinasabi rito na kung mahal mo talaga si Lord, mananatili sa puso mo ang kanyang mga utos. Kung ika'y sumusunod sa Kanyang mga salita, napi-please mo Siya. You made God smile. Huwag lang hipokrita. Alam ni Lord kung pakitang-tao ka lang o buong puso kang sumusunod sa Kanya.
Remember the Pharisees? Mga mapagkunwari sila sa paningin ng Diyos, ngunit sa tao'y pinapakita nila na sila'y mga masunurin sa Diyos.
Sabi sa Bible, hindi lahat ng tumatawag na "Lord, Lord." ay maliligtas? Parang gano'n din. Hindi lahat ng nagsasabing mahal nila ang Diyos ay totoo nila 'tong mahal. Minsan ginagamit lang nila ito sa mga maka-sariling layunin.
Paano mo nga ba maipapakita ang pag-ibig mo sa Diyos? Minsan, mapapatanong ka pa sa sarili mo kung mahal mo ba talaga Siya. Pumapasok sa isip mo ang mga kasalanang nagawa mo, ang mga bagay na ginawa mo na nakapaglayo sa Kanya, at iba pang gaya nito. Hindi ka perpekto kapatid. Nagkakasala ka. Hindi naman sinasabi ni Lord sa 'tin kapag nagko-confess tayo ng mga kasalanan natin na, 'Paulit-ulit nalang 'yan kasalanan mo.' Ang mahalaga, you repent! Gagawin ng demonyo ang lahat, pipigilan ka nila sa kahit anong paraan, 'wag ka lang magsisi. Habang may panahon pa, magsisi ka na dahil hindi ka na makakapagsisi kung ika'y namatay na. Pahalagahan mo ang buhay mo.
Ang mundong ito'y puno ng temptations. Si Satan na kasi ang god of world. Kaya minsan hindi natin namamalayan, lumalayo na tayo sa Diyos at mas binigyan natin ng halaga ang mga nakikitang bagay dito kaysa sa unseen things.
Paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga Siya? It takes time to answer. Ang hirap magbitaw ng salita na walang katotohanan at pruweba. Mas magandang hindi mo na lang sinasabi. Mas better na ginagawa mo nalang. Sabi nga, 'Actions speaks louder than words.'
How to show your love at the Lord?
•Lahat ng mga aral at utos ng Diyos ay sinasabuhay.
If you love Me, keep My commandments.
James 1:22
[22]But be ye doers of the word, and not hearers only, deceiving your own selves.
Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.Kaya gawin ang best para masunod ang Kanyang utos. Keep it at our heart but sometimes, we fail to follow it. But if you love the Lord, confess your sins at Him and He'll forgive you.
•Sabi naman sa 1 Juan 3:18 na dapat nakikita sa gawa hindi sa bibig lamang ang pagmamahal natin.
1 John 3:18
[18]My little children, let us not love in word, neither in tongue; but in deed and in truth.
Mumunti kong mga anak, huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.Huwag hanggang salita. Mapapahiya ka lang.
•Hindi natin Siya kinakahiya o idine-deny sa iba.
Matthew 10:33
[33]But whosoever shall deny me before men, him will I also deny before my Father which is in heaven.
Datapuwa't sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.•Siya'y kinakausap sa pang-araw-araw kong buhay.
1 Thessalonians 5:17
[17]Pray without ceasing.
Magsipanalangin kayong walang patid;•Siya ang nangunguna sa buhay natin.
Matthew 6:33
[33]But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.
Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.•Siya lamang ang ating Diyos.
Exodus 20:3
[3]Thou shalt have no other gods before me.
Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.•Dapat mahal natin ang kapwa dahil paano natin mamahalin ang Diyos na hindi nakikita kung hindi natin sila magawang mahalin. (Matt. 22:39)
Matthew 22:39
[39]And the second is like unto it, Thou shalt love thy neighbour as thyself.
At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.•Dapat maging magpatawad sa mga nagkakasala sa 'tin upang patawarin din tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan.
Matthew 6:15
[15]But if ye forgive not men their trespasses, neither will your Father forgive your trespasses.
Datapuwa't kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.•Sa Kanya lang magtitiwala ng lubos.
Proverbs 3:5
[5]Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:•Magpatuloy sa pag-seek sa Kanya ng buong puso.
Jeremiah 29:13
[13]And ye shall seek me, and find me, when ye shall search for me with all your heart.
At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.•Hinding-hindi mo Siya tatalikuran.
Luke 9:62
[62]And Jesus said unto him, No man, having put his hand to the plough, and looking back, is fit for the kingdom of God.
Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Jesus, Walang taong pagkahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ay karapatdapat sa kaharian ng Dios.•Gagawin ang mga bagay na hindi labag sa kalooban o maluwag sa damdamin.
1 Corinthians 10:31
[31]Whether therefore ye eat, or drink, or whatsoever ye do, do all to the glory of God.
Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.So 'yan. Nawa'y maisabuhay natin ang mga nabanggit. Tandaan, walang mapapala ang puro salita kundi pawang paasa. Ang pag-ibig ay hindi basta-basta, kailangan ito ng patunay upang paniwalaan.
God bless sa inyo!
#LentenDays
BINABASA MO ANG
God is always there for us (Devotionals)
SpiritualThis book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible verses. The writer's purposes are to glorify God, to remind us that God will never leave nor forsake us...