***Reverse Poetry #2

1.7K 16 0
                                    

R E V E R S EP O E T R Y #2

"Ikaw ay..."

[Basahin pababa]

Ikaw ay hindi na makakausad pa!
Huwag mong itatak sa 'yong isipang...
Ikaw ay magtatagumpay!
Lagi mong tatandaan-
Ikaw ay patapon; isa lang talunan!
Ikaw ay hindi mahalaga at...
Huwag mong iisiping-
Ikaw ay dapat magalak!
Dahil ang totoo...
Ikaw ay walang layunin sa buhay!
Ikaw ay pabigat lang sa mundo at...
Hindi totoo na-
May dahilan kung ba't ka humihinga!
Ikaw ay walang k'wenta!
Huwag maniwalang...
Pinagpala ka!
Ikaw ay hindi na dapat nabuhay.
Walang katotohanan...
May nagmamahal sa 'yo.
Ikaw ay iniwan na rin ng Diyos!
Huwag mong iisipin...
May nagmamalasakit sa 'yo!
Ikaw ay pasakit lang; walang pag-asa.
'Wag na 'wag kang maniniwalang-
Ikaw ay hindi na makababangon pa!
'Wag isiping...
Ikaw ay matatag!
Wala ng pag-asa pang darating sa buhay mo!
Higit sa lahat, hindi totoong...
Ikaw ay malakas at...
Ikaw ay may magagawa.
Sinasabi ko sa 'yo,
Ikaw ay mahina.
Ikaw ay hindi magtatagumpay at...
Huwag mong paniniwalaan na-
Ikaw ay higit pa sa anumang isipin ng iba!

[Basahin pataas]

-NylNed20©

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon