***Reverse Poetry #1

1.7K 10 2
                                    

R E V E R S E P O E T R Y

"Ang buhay mo"
By: NylNed20

[Basahin pababa]

Magpakamatay ka na lang!
Masasayang ang iyong buhay kung...
Ika'y pawang aksidente lang!
Huwag kang maniwalang-
Pinagpala ka.
Hindi ka dapat nabuhay!
Walang katotohanan...
Mahal ka ng Diyos.
May plano Siya sa buhay mo-
Upang malugmok ka sa mundo.
Wala ng dahilan...
Maging masaya!
Walang pag-asa!
Hindi totoo na-
May nagmamahal sa 'yo.
Walang may pakialam sa buhay mo.
Huwag kang maniwalang,
Ang buhay mo ay napakahalaga.
Walang kabuluhan ang buhay na 'yan!
Hindi totoo na...
Ang Diyos lang ang tunay na kukumpleto sa iyong buhay!
Siya'y nagkukulang.
Lagi kang sinasaktan,
Lalo na sa isang taong may hangganan.
'Wag kang lubos na umasa,
May positibo pang makikita!
Lagi mong isipin;
Ang mga negatibong pag-iisip!
Walang k'wenta-
Ang buhay na 'yan.
Napakasaya talaga-
Magsayang ng panahon.
'Wag na 'wag kang,
Magpatuloy sa buhay!
Sumuko na lang!
Huwag mong iisiping...
May dahilan pa upang mabuhay!

[Basahin paitaas]

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon