12. Be thankful

6.3K 65 1
                                    

1 Tesalonica 5:18

At magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

_______________________________
_______________________________
______________

Anu-ano nga ba ang mga bagay na maiipagpasalamat natin sa Diyos?
Marami. Marami Siyang ibinigay at ipinagkaloob na blessing para sa atin. Hindi na nga mabilang eh. Yung paggising mo sa umaga, hindi ba blessing yun?? Kasi may mga namamatay na hindi na nagigising, right? Be thankful dahil buhay ka pa at may magandang plano ang Diyos sa atin. Marami na siguro ang familiar sa verse na Jeremiah 29:11. May magandang plano si God. :) Be thankful.

Ang simpleng thank you mo sa Kanya ay mapapasaya mo na Siya.

Minsan kasi tayong mga tao nakatingin sa mga malalaking bagay kaya akala nila'y hindi sila binibigyan ni God ng blessing. Lahat tayo ay pinagkalooban ni God ng lahat ng yan. Yung nabuhay tayo, hindi yun blessing??

Minsan, tignan mo rin at iappreciate ang maliliit na bagay. Makikita mo kung gaano ito kalaki. :)

Ipagpasalamat natin sa Panginoon ang lahat ng mga pangyayari sa ating buhay. Minsan di lang natin alam na may magandang plano ang Diyos sa atin. Minsan nabubulag lang tayo ng mga problema na talagang di naman problema ang tawag dito kundi mga pagsubok sa buhay. Yung tipong hindi mo na nakikita ang mga magagandang pangyayari. Yung binulag ka ng kaaway, yung sinasabihan ka niya ng mga kasinungalingan! Huwag kang maniwala sa kaaway sapagkat ika'y lamang dadayain at nasa kanya na ang lahat ng negative na mga bagay. Dapat hindi tayo magpabulag.

May mga nangyayari kasi Sa ating buhay na minsa'y hindi natin maintindihan, pero if we TRUST God, wala ka ng dapat ipag-alala, pero syempre, faith without work is dead. Kaya kilos din :)

The best parin ang will ni God kaysa sa sarili nating will. Alam Niya ang best para sa atin. Magtiwala lang tayo sa kanila ng mga pangyayari dahil may maganda Siyang plano. We must be thankful.

Kung hindi man nangyari ang iyong kagustuhan, still, be thankful, dahil may mas maganda Siyang inilaan para sayo kaysa sa nais mo.

He knows what's best for us so be thankful!

God bless you :)

~

God is always there for us (Devotionals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon