Chapter 4 - His Jacket

219 11 0
                                    

~Sarang's

"You're here!" Bati sa akin ni Elisha.
"I'll order my usual." Sabi ko sa bartender.

Lagi kasi kaming lumalabas ni Elisha kapag friday. Kilala na rin ako ng staff ng Rockport Bar dahil sa pagsisideline ko bilang DJ.

Nilapag na rin kaagad ng bartender ang bloody mary sa harap ko.

"Cheers!" Nagtagpo ang baso namin ni Elisha.

Maingay. Mausok. Magulo. Wild. Ilan lamang yan sa mga salitang makaka-describe sa Rockport ngayon. Fridays are Fierce Fridays, mas maraming pumupunta dito dahil maraming promos ang bar.

"Wait. What's with the leather jacket?" Pasigaw na tanong ni Elisha.
"I forgot to remove it. Wait lang. Balik ko lang sa car." I stood up and walked through the crowd palabas ng bar.

Malapit na sana ako sa kotse ko ng biglang may tumawag sa akin.

"Sarang." That familiar voice. Ang malalim pero malambing niyang boses.

Pinilit kong huwag lumingon at dumeretso muli papunta sa kotse ko.

"My sunshine..." tawag niya ulit.
"Bull****!" I silently cursed. Sakto naman na nabuksan ko na ang sasakyan ko at naipasok ang jacket.
"Sarang..." pagsusumamo niya.

I have no choice but to face him. Kailangan kong bumalik sa loob ng bar. Binilisan ko na lang ang paglalakad. Dinaanan ko siya na parang hangin lang. Pilit niya pa rin akong tinatawag hanggang sa umabot kami sa entrance ng bar.

VIP ako at kilala na ako ng bouncers kaya mabilis akong nakapasok. Hindi na niya ako masusundan. I knew it.

"Boss, pila ka muna." Rinig kong sabi sa kanya ng bouncer.
"Sarang! Si Justin to!" Sigaw pa rin niya.

Hinayaan ko siyang magsisigaw dun. Wala na ang hinahanap niya.

Bumalik na ako sa bar. Nakita ko si Elisha na may kausap na lalaki. Flirty Elisha. Pero hanggang dun lang naman siya eh. Alam kong si Terrence pa rin ang mahal niya.

Napansin ni Elisha ang pag-upo ko ulit sa tabi niya. Inubos ko ang natitirang inumin ko.

"Whoah! Slow down bes!" Saway ni Elisha sa akin.
"Tequila, please." Order ko sa bartender.

Napansin ko na lang na umalis na yung lalaking kausap ni Elisha. Pinaalis niya?

"Bakit nawala si guy?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.
"My best friend needs me. Tequila, please." She giggled. "Make it four."
"I saw him outside. He called me." Pag-amin ko sa kanya habang hinahanda ang drinks sa harap namin.
"Well, pinansin mo?" Tanong niya.
"Shot." Ininom ko ang isa. Alam na niya ang ibig sabihin nun.
"Hmm... Hindi mo nga pinansin. Enough of the bad vibes. Tara na sa dance floor!" Ininom na namin ang huli naming in-order na drinks.

I tend to stay in the corner and watch. As much as possible, I don't want attention. Pero iba ngayong gabi. Alam kong nagulat si Elisha sa akin sa bigla kong pagsama sa kanya sa dance floor. This is so not me. Pero gusto kong i-release lahat ng nararamdaman ko ngayon.

After 2 years, ngayon ko lang siya ulit nakita. Nandun pa din ang malambing niyang boses. Ang mahinahon niyang mga mata. Ang makisig niyang katawan. Siya pa rin ang Justin na kilala ko. Ako pa rin ang Sunshine niya.

Rave!!! Sigaw ng DJ.

Isa ito sa pakulo ng Rockport. Lalong lalakasan ni DJ ang mga kanta hanggang sa maging slow ang songs. Tapos maghahanap sila ng perfect couple at bibigyan ng free one night stay sa Le Petit Isla Hotel, isa sa mga five star hotel dito. Alam ko ito. DJ ako minsan kapag Friday.

My Prince Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon