Chapter 21 - Frigid

140 4 0
                                    

Frigid
adj. \ ˈfri-jəd \ 

1 a : intensely cold
1 b : lacking warmth or ardor (m-w.com)

~Sarang's

Days passed by at naging okay din naman ako. Naging busy lang ako sa school at internship kaya na-divert ang aking atensyon dito. After din naming mag-usap ni Liam ay naging mailap siya sa akin at kakausapin lang ako sa gallery kapag may kailangan siya about his exhibit. Sinusubukan ko rin siyang isama mag-dinner pero tumatanggi siya.

Ngayon ang flight ko pabalik ng Isle Bellagio. Royal Banquet bukas at sabi ni Mama Cate ay magkakaroon daw ng importanteng announcement bukas. Pinilit din nila ako na sumakay ng private plane pabalik dahil kasama ko si Liam.

Nandito na ako ngayon sa loob ng eroplano at nasa kabilang side lang si Liam na busy magbasa ng dyaryo.

"Princess, may kailangan pa po ba kayo?" tanong ni Lady Mary sa akin.
"Wala naman na." nakangiti kong sagot.
"Pupunta na po kami sa kabilang cabin. If you need anything, please press the button." turo niya sa isang button na nasa upuan ko.

Tumango lang ako at itinuon na ang pansin sa aking nirereview na notes. May exam kasi ako next week sa isang major subject at wala na akong oras para magreview pagdating ko sa Isle Bellagio. Naloloka na talaga ako dahil history ito! It's my waterloo. Art major ako pero hindi ako fan ng history. Mahirap magmemorize!

"May problema ba?" tanong ni Liam.

I just looked at him and slowly a smile painted on my face. He talked to me!

"Nahihirapan kasi ako dito sa history notes ko. Ang hirap magmemorize." sabi ko.
"Let me help you with that. Nakakairita na kasi yung pagngitngit mo diyan kanina pa." sabi niya at lumipat siya sa upuan sa tabi ko.

Tumigil lang kami sandal nung nagtake-off yung eroplano. Ang galling magturo ni Liam. Pwede siyang maging isang teacher or professor sa university. Ang dami niyang alam. May mga pagkakataon pa nga na nagjojoke siya tapos tatawa lang ako ng malakas.

Na-miss ko yung ganito kami. Isang linggo kasi kaming hindi nag-uusap kaya na-miss ko ang kaibigan kong ito. Haaayy...

"Lalim ng iniisip mo. Ano ba 'yun?" tanong niya.
"Wala. Isang linggo kasi tayong hindi nag-usap. Buti na lang at nag-uusap na tayo ulit ngayon." sagot ko.
"Nag-worry ka ba? Sorry." hingi niya ng paumanhin.
"Wala yun." sabi ko.

Nagkwentuhan lang kami the whole flight. Parang hindi kami nag-usap ng isang buwan dahil hanggang paglapag sa Isle Bellagio ay nag-uusap lang kami. Direct flight na kasi kami kaya malaki ang nabawas na oras sa pagpunta dito. Pagbaba naman namin ng eroplano ay sinalubong kami agad ng aming bodyguards at hinatid na sa palasyo.

Una kaming pumunta sa main palace para bumati kay Mama Cate at Papa Nathan. Pagdating namin sa library ay nandun ang lahat kasama si Lolo Marcial.

"Announcing the arrival of Crown Princess Sarang Solstice and Prince Liam." anunsyo ni Butler Lee.

Pumasok naman kami at nagcurtsy.

"Kamusta naman kayo?" bati ni Mama Cate.
"Welcome back!" bati ni Papa Nathan.
"Thank you po. Okay lang naman po kami. Kayo po kamusta?" bati ko.
"Okay naman kami." sabi ni Mama Cate.
"Punta po kayong lahat sa opening ng exhibit ko sa Pilipinas. Parang naging project na po namin ni Princess Sarang ang mangyayari." paanyaya naman ni Liam.

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now