Chapter 6

223 9 0
                                    

~Sarang's

Ang bilis ng mga nangyari nung gabing iyon. It has been a week nung umamin si Kael sa akin ng nararamdaman niya. Hindi naman niya ako pinilit na tugunan ang nararamdaman niya at binigyan niya pa ako ng oras na mag-isip.

One week na siyang nagpaparamdam. I tried contacting him pero wala, cannot be reached. Hindi din siya pumapasok sa mga klase niya. Hindi ko na rin siya nakikita na umuwi sa unit niya. Nasaan kaya siya?

"Earth calling bes!" Pagkuha ni Elisha sa atensyon ko.
"Bakit?" Sagot ko naman.
"Kanina ka pa tulaley." Sabi ni Elisha.
"Tulala ba ko? Nag-iisip lang." Sabi ko.

Nasa ice cream store kami ngayon habang naghihintay sa mga kaklase slash buddies namin. Buddies dahil nagsisimula ng lumawak ulit ang social circle ko. Sila yung mga kaibigan ni Elisha sa course namin. Hindi naman sila mahirap pakisamahan. Sobrang saya nila kasama, actually.

"Ateng! Ang beauty mo nakakalurkey na ha." Bati sa akin ni Juliet.
"Romeo!" Saway ko sa kanya.
"Ano ba! Don't call me Romeo. I am Juliet!" Bakla kasi itong si Romeo este Juliet.
"Malapit na ang sem break. What's your plan?" Tanong naman ni Mo short for Monica.
"Well, I'll be spending my first two weeks with Sarang sa Isle Bellagio to visit her grandpa." Sabi ni Elisha.
"Ikaw, Sarang?" Tanong ulit ni Mo.
"1 month sa Isle Bellagio. The remaining weeks, hindi ko pa alam." Sabi ko naman.
"Huy Juliet! Kanina ka pa tulaley diyan." Saway naman ni Esther.
"Yung mga hot guys sa kabilang table eh. Nakatingin dito." And his flirtatious smile flashed.

Napalingon naman kami sa tinuro niya. Mga players sila ng varsity team. Kilala ko yung iba sa kanila. Mga kaklase ko sila nung high school. One of them is Luigi. Dati ko ding manliligaw. Siya ang nakatingin sa akin. Totoo nga ang sabi nung mga kaklase ko noon, gumwapo siya. Heartthrob.

Iniwas ko kaagad ang tingin sa kanya at nagfocus na lang sa ice cream na kinakain ko. Nakinig na lang din ako sa usapan ng mga kaibigan ko.

Si Romeo Reyes aka Juliet. He is gay, literally and gender-ly. Kilala siya bilang RR sa bahay nila. Sundalo ang tatay, pulis ang nanay. Tanggap na siya ng nanay niya pero ang tatay niya... kaunting ligaw pa daw.

Si Monica Smith aka Mo. Fil-Am pero laking Tondo. Iniwan sila ng tatay niyang Amerikano noong 10 years old siya. Simula nun, nanay na niya ang nagtaguyod sa kanilang 5 na magkakapatid. Makulit at masayahin si Mo pero seryoso pagdating sa pag-aaral..

Si Esther Mae Co. Tsinay pero hindi chinita. Mas naging kamukha niya kasi ang nanay niya. Maputi, balingkinitan, mahaba ang buhok... head turner talaga. Habulin ng boys. Happy-Go-Lucky.

Si Elisha Montemayor. You all know her. My best friend in the whole wild este wide world. Flirty but stick to one. Marami siyang lalaki sa buhay niya pero lahat yun fling lang. Iisa lang ang minahal niya at yun ay si Terrence Louis Lee. Pero simula nung nawala ang mokong, nagpaka-flirty na. Exchange student lang kasi yun si Terrence at umuwi na sa kanila na hindi namin alam kung saan sa South Korea. Sinubukan niyang habulin pero wala eh. Magaling magtago ang loko.

"Ay wait lang guys. May balita pala ako sa inyo." Sabi ni Juliet.
"Ano yun?" Tanong ni Mo.
"Usap-usapan sa department na magkakaroon daw ng production next month. Tapos state-of-the-art daw kasi kasama ang Digital Arts Department sa paggawa." Sabi ni Juliet habang binubuksan ang isang poster.
"San mo nakuha to, bruha?" Tanong ni Esther habang inuusisa namin ang poster.
"I have connections. Connections that you don't have." Paggaya na sinabi ni Juliet sa linya ni Sarah G.
"So ibig sabihin, prod team na naman tayo nito." Sabi ni Elisha.
"Aaaah. All those precious sleep." Reklamo ni Juliet.
"Digital arts? Anong year daw ang kasama?" Tanong ko.
"Ang alam ko ay yung mga sophomores at foreign students." Sabi ni Juliet.
"So kasama si Prince Kael?!" Excited na tanong ni Esther.

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now