Chapter 26 - Free

144 4 0
                                    

~Sarang's

Pagkatapos ko kausapin si Kael sa opisina niya ay kinabukasan ay pumunta ako kaagad sa palasyo para magpaalam sa royal family. Sinigurado ko nandun lahat kasama sila Lolo Michael at Lolo Marcial, ang mga taong nagkasundo sa kasal na ito.

"Announcing the arrival of Queen Sofia Catherine and King Nathaniel Steve of Isle Bellagio." anunsyo ni Butler Lee na nagpatayo sa akin.

Awtomatiko naman akong nag-curtsy sa kanila tanda ng pagbati.

"Sarang!" bati sa akin ni Mama Cate. Halatang masaya siya na nakita ako. Yinakap naman niya ako at gumanti naman ako ng yakap.
"Welcome home, anak." sabi naman ni Papa Nathan.

I will miss this home. Sabi ko sa sarili ko.

Sunod-sunod naman silang dumating sa library. Sila Nathalie, Liam, Lolo Michael, at Lolo Marcial.

Sinabihan ko na si Lolo Marcial sa aking ibabalita. Tinanong niya lang ako kung handa na ba ako sa magiging consequence ng gagawin ko. Handa naman ako. Sinabi ko rin na siya na ang bahalang magsabi kay Lolo Michael.

"Lolo..." lumapit ako kay Lolo Michael.
"Sigurado ka na ba?" bulong niya sa akin.
"I am sorry." yumuko ako.
"Don't be sorry, apo. Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa inyo ni Kael. Kung hindi ko ito ipinilit, hindi kayo magkakasakitan." sabi niya.
"Pero Salamat pa rin po kasi kung hindi po sa inyo, hindi po ako magiging masaya sa piling ni Kael." nakangiti ko namang sagot.

I wanted them not to be hurt of my decision. Kung kailangan akong parusahan sa gagawin ko, okay lang. Tatanggapin ko. Ayoko nang makasakit pa ng ibang tao ng dahil sa akin.

"Announcing the arrival of Crown Prince Kael of Isle Bellagio." anunsyo ni Butler Lee.

Pumasok siya at bumati lang sa mga matatanda na. Nagsalubong sandali ang aming mga mata and I can see pain. He is hurting. Nasasaktan din ako.

He sat at the sofa where I was sitting and kept a distance between us. Parang kapag nagdikit ang mga balat namin ay mapapaso kami.

"Sarang, sabi mo sa amin ay may sasabihin ka." sabi ni Mama Cate while holding a teacup.
"Is it? May apo na ba kami?" gulat na tanong ni Papa Nathan.

Opo... I am pregnant. Yun ang gusto kong sabihin pero no. I must protect my child at all costs. Dahil kapag inanunsyo ko ito ay madaling kakalat ang balita at baka malaman pa ito ni Paula.

"Hindi po, Papa." sagot ko.
"What is it, anak?" tanong ni Mama Cate.

Tiningnan ko muna sila Lolo at tinanguan lang nila ako, showing their approval and support. Nakita ko rin ang naguguluhan na si Liam at Nathalie. Bago ako magsalita ay tiningnan ko muna si Kael. He was staring at nothing. Tulala lang siya but he was breathing heavily.

"Gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat. Sa pagtanggap niyo po sa akin sa pamilya niyo. Totoo po na naging masaya ako dito. Nagkaroon po ako ng mabait na Lolo Michael at Papa Nathan. Pati na rin ng nakababatang kapatid." Tiningnan ko si Nathalie at ngumiti.

"Nagkaroon ako ng isa pang nanay dahil kay Mama Cate. God knows how much I miss my mom so much and He gave me Mama Cate para hindi na ako mangulila kay mom. Sobrang nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng best friend dito sa palasyo na si Liam." Tiningnan ko si Liam and kita kong nakukuha na niya ang gusto kong mangyari.

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now