Chapter 18 - Chills

136 6 1
                                    

Chills
noun \ ˈchil \

1a : a sensation of cold accompanied by shivering
1b : a disagreeable sensation of coldness
2 : a moderate but disagreeable degree of cold
3 : a check to enthusiasm or warmth of feeling (m-w.com)

~Sarang's

Papunta kami ni Mama Cate sa Kanchan, isang maliit na city sa Isle Bellagio. Magbubukas daw kasi ang isang war museum doon. Kasama din namin sila Lolo Michael at Lolo Marcial dahil isa rin sila sa mga war veterans. Isang oras pa at makakarating na kami sa Kanchan. Sila Kael at Papa Nathan naman ay susunod na lang sa isa pang event na malapit din sa Kanchan. Nasa palasyo pa sila to attend sa council meeting.

"Princess, kamusta ka naman? Matagal din tayong hindi nagka-usap ng ganito." pagbasag ni Mama Cate sa katahimikan.
"Okay naman po ako, Queen Cate. Nagkaroon pa po ako ng bagong kaibigan sa palasyo. Nakapag-adjust na rin po ako kahit papaano." sabi ko sa kanya.
"Bagong kaibigan? Sino?" tanong naman niya.
"Si Liam po. Humingi na po siya ng paumanhin sa mga nangyari." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon. Natutuwa na rin ako sa batang iyon dahil personal siyang humingi ng tawad at pinaliwanag niya ang kanyang sarili. Bilib din ako sa batang iyon. Ang alam ko ay bibigyan na rin siya ni King Nathan ng trabaho sa palasyo." isang magandang balita ito para kay Liam!

Masaya talaga na naging kaibigan ko si Liam dahil kapag wala si Kael, may nakakausap ako. Don't get me wrong. May panahon pa kami ni Kael para isa't isa pero busy kasi siya sa palasyo at naiintindihan ko naman ito. The least that I can do to help him is to attend events like this for our royal duties.

"Mabuti po 'yun. Alam ko naman po na gusto ring makatulong ni Liam. Asset din po siya sa palasyo kasi alam niya po ang mga kailangan ng mga tao." dagdag ko.
"Oo nga eh. Malapit ka nang umuwi ng Pilipinas. Mamimiss kita, anak." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Anak. It's very touching to hear her treat me as her own.
"Oo nga po eh pero babalik din naman po ako dito after ilang weeks. Uuwi rin naman po ako ng isang beses sa isang buwan." nakangiti ko namang sagot. Reassuring her.
"Kung sa bagay. Pero iba pa rin kasi kapag nasa palasyo ka. May nakakasama ako sa mga events na ganito. Hindi naman na ako bumabata. Alam mo naman si Nathalie, bata pa siya. Nasa high school pa lang siya at hindi ko pa siya pwedeng laging isama sa ganito." sabi pa ni Mama Cate.
"Mama... Hayaan mo po. Bibilisan ko pong matapos ang mga kailangan ko sa Pilipinas para lagi kang may kasama." ngiti kong sabi.
"Bago ka umalis, magshoshopping at magbobonding tayo nila Nathalie." natatawa niyang sabi.
"Girl bonding!" tumatawa ko rin sagot.

Nag-usap pa kami about music and arts hanggang mapunta na naman kami sa usapang ito...

"Soooo... Have you done it?" usisa ni Mama Cate.
"Po? Ang alin po?" tanong ko.
"My grandchild?" seryoso niyang tanong. They are very eager for a successor.
"Uhmm... Ano po... Paano po ba... Uhmmm..." Hindi ko alam ang isasagot ko. Mama Cate giggled.
"I really wish magkaroon na ako ng apo pero much better na tapusin niyo muna ang degree niyo. Maiintindihan ko naman. Sorry if we are rushing you guys." sabi naman ni Mama Cate.
"Okay lang naman po sa akin, Mama. Kung dumating po ang baby, I'll be more than happy to be his mother. Blessing po siya, Mama and I can't wait for that day!" naeexcite kong sagot.

Totoo naman eh. Kung dumating siya, sobrang saya ko. Kung hindi pa, okay lang naman dahiL baka ayaw pa ng angel namin dahil hindi pa kami handa maging parents niya. I love the thought of having a family and it is more exciting dahil kasama ko si Kael sa journey na ito.

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now