Chapter 5 - Ice Crystal

226 10 1
                                    

~Sarang's

Sa Deluxe Suite kami pumasok. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari ngayon gabi. Hindi ko pwedeng isuko sa kanya ang pwedeng maisuko. Manhid man ang puso ko, hindi ko pa rin hahayaan na maging patapon ang buhay ko.

Kael was busy opening the curtains using the remote. May 180 degrees view kasi ang suite na ito. Teka?

"I upgraded the room na napanalunan natin." Sabi niya habang inaayos naman ang kama.

I was amazed by the view. Totoo nga ang sinasabi ng mga articles regarding this hotel. It has the most amazing view of the metro.

"Amazed, huh?" He was standing beside me.
"Rich kid, huh?" Sagot ko naman sa kanya.
"Hindi naman." Ngumiti siya ulit sa akin.

Ayoko ang nangyayari sa akin. Masyado akong nahuhulog sa mga titig niya. Ayoko.

Lumayo ako sa kanya at pumunta sa kwarto. Kung maganda na sa labas, mas maganda dito sa loob! It was Victorian inspired. Ito ang gusto ko sa kwarto. Classique.

"Ang bilis mo naman ata..." he was standing behind me.

His mere presence is killing me.

"It's not what you think." Nilingon ko siya at inirapan.
"Well, it's not what you think also." Dinaanan niya lang ako at pumasok na siya.

What?! Nakakahiya!! Ano bang naiisip ko? Me and him doing? Whaaaat!

I heard him laugh. Anong nakakatawa?

"Embarassed, my winter?" He was laughing. Nakakainis.
"Irritated." I answered.
"Irritated and embarassed. I like how your face flushed." He smiled.

Ano ba???

"Tara na dito sa kama." Pinagpagan niya ang kama na parang iniimbitahan ako.
"What are you going to do?" Tanong ko sa kanya.
"Mag-uusap." Sagot naman niya.
"Usap." I stood on the other side of the bed.

Magkatapat kami ngayon. Tinitingnan ko lang siya habang siya naman ay nakangiti sa akin. He's like a kid.

"Well, I could stay all night talking to you." Sabi niya.
"Well, I can't." Sagot ko.
"I know. And I am not planning to keep you up late. Let's just play a game and I will let you sleep." Sabi ni Kael.

Gentleman din pala ang taong to. Tiningnan ko ang orasan. 11:30 pm pa lang. Maaga pa.

Nangalikot naman si Kael sa maliit na refrigerator ng kwarto. Nilabas niya ang red wine at kumuha ng dalawang wine glass.

"Here." He offered me a glass.
"Thanks." Ang bango ng wine. Nakakaakit ang scent nito.
"I read this story... It's about asking 20 questions." Sabi niya habang pabalik na siya sa kabilang side ng kama.
"I know that. Yun ba ang lalaruin natin?" Tanong ko at sinimsim ang matamis na alak.
"Well, it's our getting to know night. Hanggang 10 lang tayo." Sabi niya.
"Okay." Para matapos na.
"I have conditions..." pagpilit niya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Honesty is the best policy." He softly giggled. "No filters."
"Meaning?" Tanong ko ulit.
"Lahat ng isasagot mo ay totoo at wala kang itatago na kahit isang detail." Pagpapaliwanag niya.
"I also have a condition." Sabi ko naman.
"What is it?" Tanong naman niya.
"Walang lalabas sa mga pag-uusapan natin ngayong gabi. What you see, what you hear, when you go, leave it here." Sabi ko sabay taas ng kilay.
"Walang problema. Let's begin?" Tanong niya.

Umupo na siya sa sahig habang ang baso niya at ang kamay niya ay nakapatong sa kama. Ginaya ko siya at umupo na sa carpeted floor.

-

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now