Chapter 7 - Rudolf

206 10 1
                                    

~Sarang's

"Okay na ba ang meeting with the Digital Arts Dept?" Tanong sa amin ng aming director.
"Yes po, Sir Rudolf. I will meet them mamaya. Prepared na rin po ang presentation from the artistic committee." Pagrereport ko.
"Cast Head, kamusta naman ang pag-contact sa mga alumni na sasali?" Tanong ulit ni Sir Rudolf.

Nasa meeting ako ngayon ng Production Committee ng bagong play na gagawin namin. Natapos na rin pala namin ni Kael ang project namin sa Writing and Theater at napasa na rin namin. Pinilit ko siyang madaliin yun kasi nga dahil sa production na ito. Bigla kasi akong naging Artistic Director dahil nagback-out yung nauna. -_-

"May ilang alumni na po ang nagconfirm." Report ni Mo.
"Sinu-sino na ang nagconfirm?" -Sir Rudolf

Bago sumagot si Mo ay tumingin muna siya sa akin. Bakit kaya?

Kinalabit na ako ng Artistic Assistant Director namin na si Steffi. Tiningnan ko naman ang oras. Shocks! Meeting na namin with the DA Dept in 10 minutes.

Bago pa magsalita si Mo ay nagtaas na ko ng kamay.

"Sir, sorry to interrupt but Steffi and I need to go. Meeting po with DA Dept." Sabi ko.
"Okay. You are excused. Proceed tayo, Mo." -Sir Rudolf

Habang nag-aayos naman kami ng gamit at plates, tuloy lang si Mo sa pagrereport.

"Back out na po si Ate Azeline bilang Daphne sa play. So vacant na po ang position for the lead actress. As for the lead actor, nagconfirm na po si Kuya Justin." Na-estatwa ako sa kinaroroonan ko. Nag-audition pala siya.
"As expected from Justin. Hindi ako nagkamali na piliin siya. Anyway, how about the others?" Tuloy ni Sir Rudolf.

Tinuloy ko na lang ang pagliligpit. Kailangan kong i-divert ang utak ko para sa presentation mamaya. Mapapansin na naman ni Kael na wala ako sa sarili.

Nagmadali na kaming lumabas ni Steffi ng room. Late na kami sa meeting. Text ng text na rin si Kael.

"Ate Sarang, may tanong po ako. Huwag ka po sanang magalit." Sabi ni Steffi habang naglalakad kami.
"Mamaya na yan, Steffi. Unless, napaka-importante yan." Sabi ko.
"Ah. Sige po. Mamaya na lang after presentation." Saktong nakarating na kami sa conference hall ng DA Dept.

Pagpasok namin ay nag-set-up na kami ni Steffi. Tinulungan na rin kami ni Kael at nung freshman na kasama sa team nila.

Pagkatapos namin magset-up, tumayo na ako sa harapan at huminga ng malalim.

"Before I start the presentation, I would like to apologize for being a bit late due to our extended meeting with the production committee. I am Sarang Solstice Romero, the Artistic Director of this play entitled 'Te Amo: My First Love'. I am with my assistant, Steffi Reyes." Nilipat ko na ang slide ng presentation ko at tinuloy ito.

Pagkatapos ng aking presentation, nagsimula na ang pagtatanong ng DA team.

"So, this is an adaptation of a famous Korean play. Pero since Philippines setting na ito, ano pang gusto niyong i-add sa effects?" Tanong ng team head na si Roi.
"Siguro mapaganda yung transition ng settings or place per scene. Sa original play po kasi, simpleng background lang ang ginamit nila. Minimal ang props na ginamit. Tela lang po yun. Since we will be using more technology, sana theatrical pa rin ang dating nung transition." Sabi ko.
"If I may just add. I think we could also add ng screens around the auditorium since ang plano ng script at artistic director ang buong venue for the scenes. Somehow, magkakaroon ng personal touch ang mga tao." Sabi naman ni Steffi.
"Sabi niyo din kanina, kami na rin ang bahala sa special effects. Digital arts kami my dear..." Sabi ni Roi.
"Well, smoke machine lang naman po iyon. And we suggest na you do it because para sabay ang smoke sa effects sa screen. Parang 5D lang. Ganun." Sabi ko.
"Okay. If the DA team have more questions, idederetso ko na lang sayo or kay Sir Rudolf." Sabi ni Roi.

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now