Epilogue

232 4 2
                                    


Maraming nangyari pagbalik namin sa Isle Bellagio. Pagkauwi namin ay nakaplano na pala ang welcoming party para sa akin at kay Constantine Aviv. He was formally announced as the next heir of the crown. Ang inosente kong anak ay masaya sa mga nangyari lalo na ngayon ay buo na ang pamilya namin.

After 3 years...

Ngayon ang 7th birthday ni Tavi kaya busy ang lahat para I-celebrate ang birthday nito. It was a mickey mouse themed birthday party. Paborito kasi ni Tavi si Mickey Mouse kaya ito ang napili nito.

 Paborito kasi ni Tavi si Mickey Mouse kaya ito ang napili nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Tavi! Huwag masyadong tumakbo!" sabi ko sa kanya.
"Opo, mommy!" sabi niya at nakipaglaro na kasama ang mga malayong pinsan niya na si Cassie at Neptune, ang mga apo nila Ninong Vince at Ninang Trina.

Dahil hands-on akong nanay, ako ang nagbake ng ilang cookies para sa dessert bar. Hindi na ako hinayaan ni Kael na magluto ng iba pang pagkain dahil bahala na ang royal kitchen para dun.

Nakakaintindi at nakakapagsalita na si Tavi ng tagalog at Korean. Mabuti na lang dahil nahihirapan din ang iba niyang kaklase noon sa pre-school dahil English ang nagging unang lenggwahe niya.

"Lady Mary, pakitawag na sila Dad." sabi ko naman kay Lady Mary.
"Yes, your highness." sabi niya at pumasok na sa main palace.

Dito sa garden gaganapin ang birthday ni Tavi at marami na ring mga bisita ang dumarating. Nakita ko naman ang pamilyar na couple na papasok na ng garden.

"Liam! Lady Ana!" bati ko sa kanila.
"Nasaan na ang inaanak ko?" tanong niya.
"Naku. Nandun nakikipaglaro kay Cassie at Neptune. Sige na. Upo na kayo." sabi ko naman.
"Tutulong muna ako sa iba. Babe." paalam ni Lady Ana.
"Go. Mamimiss kita." Hinalikan naman ni Liam si Lady Ana sa noo.

Kung paano naging si Lady Ana at Liam at kung anong nangyari doon sa artista na hinahabol niya? Mahabang kwento! Pero masaya ako na sila ang nagkasama sa huli.

"Bes!" napalingon naman ako sa sumigaw.
"Elisha!!!" lumapit naman ako yinakap siya.
"Asan ang inaanak kong may birthday? Nandito na yung winish niya sa akin." pakita niya sa malaking box na dala-dala ni Terrence.
"Nako. Hindi mo na dapat binili yan. Marami pa namang laruan ang anak ko." sabi ko sa kanya.
"Okay lang yun, Sarang. Minsan lang naman mag-birthday si Constantine." singit ni Terrence.
"Hala! Nahihirapan ka na diyan, Terrence! Dalhin mo na yan dun sa table sa harap." turo ko naman sa kanya.

Si Terrence at Elisha ay 6 years ng kasal. Buntis na rin si Elisha sa kanilang first baby. Medyo natagalan lang ang baby dahil may kontrata pa siya kela Ninang Trina. Si Elisha ay sikat na theatre actress na at nakapagperform na rin siya sa West End sa London. Pagkapanganak niya ay gusto niya bumalik sa teatro pero baka daw pag Malaki na ang magiging baby nila.

Pumunta naman ako sa kusina para I-check kung patapos na sila mag-luto.

"Isa na lang ba ang kulang?" tanong ko sa kanila.
"Yes po, Unnie." sabi ni Nathalie. Si Nathalie kasi ang in-charge sa pagkain.
"Sige. Basta ilabas niyo na lang ha." sabi ko at tinapik siya sa balikat.
"Narinig mo yun, Cross? Bilisan mo na kasi diyan!" asik naman niya sa matagal na niyang crush, ang chef namin na si Cross.

My Prince Next DoorWhere stories live. Discover now