Camera 12 - Picture Perfect

111K 2.3K 204
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)



*Vivi's POV*

Napangiti ako nang masilayan ko ang aking mommy na nakaabang sa aming pagdating. Halata kasing excited siyang makita ulit ang iniidolo niyang matinee idol na ngayon ay ipinagmamalaki niyang manugang.

"Kaz, hijo!" galak na sinalubong ni mommy Charm si Kaz nang makita niya kaming bumaba sa sasakyan, "akala ko ba hindi kayo makarating?"

"Pwedi ba yun?" saad ni Kaz na nagpaikot ng aking mga mata. 'Bolero talaga! Ang sabihin mo, hinimatay sa Patricia kaya hindi ka natuloy sa lakad mo at dahil doon, nagpasya kang sorpresahin si mommy,' saad ko sa isip ko.

"May pinamili nga pala kaming regalo ni Vivi," saad ni Kaz habang binuksan ang pinto sa backseat para kunin ang mga regalo.

"Naku," tinapik ni mommy ang braso ni Kaz, "yung presensiya niyo lang ngayong gabi, sapat na."

"Mommy, sina ate?" singit kong tanong.

"Si Vanity? Nasa telepono. Kausap na naman niya ang pinsan mo. Mukhang may balak na namang mag-Europe next month. Si Violet naman, hindi pa nakauwi. May pasyente kasing isinugod sa ospital kanina," sagot ni mommy

"Mahilig pala kayo sa mga pangalang nagsisimula sa V," puna ni Kaz.

"Hindi naman," gikgik ni mommy, "Actually, lahat sila ay V at C ang combination dahil Victor ang daddy nila tapos Charm naman ako."

"So anu-ano ang C ng mga ate ni Vivi?" tanong ni Kaz.

"Yung panganay ko, si Violet Clare. Kinuha ko ang pangalan niya mula sa paborito kong bulaklak at yung Clare naman, ang ibig sabihin nun ay famous. Ang pangalawa ay si Vanity Cole. Vanity dahil yun ang time na nadagdag sa mga amneties ng resorts namin ang Vanity Spa. Ang ibig sabihin naman ng Cole ay victory. Pakiramdam ko kasi naging maswerte kami sa mga businesses namin noong ipinagbuntis ko si Vanity," paliwanag ng mommy ko.

"Eh yung Vivienne Charmaine? Saan galing yun?" tanong ni Kaz.

Hindi ko maiwasang lumingon kay mommy dahil ang totoo, lagi kong naririnig ang mga ibig sabihin ng mga pangalan nina Ate Violet at ate Vanity pero ni minsan ay hindi ko narinig ang dahilan kung bakit Vivienne Charmaine ang ipinangalan nila sa akin.

"Ang daddy niya ang pumili ng pangalang iyan," panimula ni mommy.

"Ang Vivienne," lumapit si daddy at inakbayan ako, "means life at ang Charmaine naman, ang ibig sabihin ay delightful. Kaya sinisigurado namin na she live a delightful life."

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may ibang ibig sabihin yung sinasabi ni Daddy. Para kasing pinagbantaan niya si Kaz.

"Siyempre naman po," tumango si Kaz sa ama ko, "Pareho tayo ng hangarin. Ang mabigyan ng delightful life si Vivi."

Nakita kong tinapik ng aking ama si Kaz at parang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata saka ko naramdaman ang paghapit ni Kaz sa aking baywang, dahilan para mapayakap ako sa kanya. Gusto kong maniwala na nagpapanggap lamang kami pero bakit pakiramdam ko totoo yung sinasabi ni Kaz? Bakit ako parang naniniwala na gusto niya akong mabigyan ng delightful life? Para kasi itong sincere.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon