Action 12 - Crazy Cupid Love

102K 2K 210
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Vivi's POV*

Napangiti ako dahil naramdaman ko ang pagyakap ni Kaz mula sa likod ko pero mas lalo akong natuwa nang imulat ko ang aking mga mata dahil nakita ako ang isang miniature stuff toy ni tweety bird na may nakasaad na, "For little Kengkoy or little Thesis."

Bumiling ako para harapin siya at tulad ng nakaraang dalawang araw, sinimulan ni Kaz ang kanyang morning routine: ang halikan ako noo, sa ilong, sa magkabilang pisngi saka sakoping ang aking mga labi.

"Thesis, ilang araw na lang ba ang period mo?" nakanguso niyang tanong.

"Baka bukas o sa makalawa pwede na," nahihiya kong sagot.

"May nabasa ako," bahagya siyang bumangon para kunin ang kanyang ipad sa side table, "sinasabi dito na kailangan nating magbilang ng labing apat na araw mula sa first day mo para siguradong mabuntis ka. Pinakamalaking posibilidad din na magkaroon tayo ng baby boy kapag mabuntis ka sa araw ng ovulation mo."

Natawa ako sa sinasabi niya. Balak niya talaga akong buntisin? Siguro naiinggit ang asawa ko sa mga kaibigan niya dahil parang gusto niya atang isabay ang pagbubuntis ko sa pagbubuntis ng mga asawa ni kuya Stuart at kuya Marco.

"Bakit ka natawa?" nakanguso siya ulit, "ayaw mo bang magka-baby tayo?"

"Siyempre, gusto ko," natatawa kong saad, "ilang babies ba ang gusto mo?"

"I want three," mabilis niyang sagot.

"Wow! Ano naman kaya ang ipapangalan natin sa tatlong itlog natin?" biro ko sa kanya.

"Gusto ko sana yung something unique pero madaling matandaan," saad niya.

"Something unique pero madaling matandaan?" napaisip ako, "One, Two at Three na lang," biro ko.

"Pwede," pilyo siyang ngumiti

"Hala biro lang yun," saad ko, "huwag mong totohanin, kawawa naman mga anak natin pagkaganun."

"Hindi sila magiging kawawa," inakbayan niya ako saka hinila ako palapit sa kanya, "magiging popular ang mga yan. Legaspi ang mga yan eh."

"Ang yabang," mahina ko siyang pinalo sa dibdib, "pero seriously, talaga bang gagawin mong One, Two at Three ang mga anak natin?"

"Oo," napaisip siya sandal, "Yung panganay, magiging Juan Miguel kaya ang nickname ay One. Ang pangalawa naman," hinilig niya ang ulo niya sa ulo ko, "Gusto ko, Tuvien Mathew with one T lang yung Mathew ha tapos ang nickname ay Two."

"Bakit may kailangang special instruction na one T lang ang Mathew?" tanong ko.

"Ganyan kasi spelling ng pangalan ng lolo ko kaya gusto kong isunod," agad niyang sagot.

"Eh puro naman lalaki yang plano mong anak. Di ba tayo gagawa ng babae?" niyakap ko siya kaya mas nagdikit ang mga katawan namin.

"Gusto ko babae ang bunso natin para katuwang ko ang mga kuya sa pagbabantay sa prinsesa natin," saad niya, "At ang gusto kong pangalan ay Trinitiy Anne para Three ang kanyang nickname," saad niya.

"Juan Miguel, Tuvien Mathew at Trinity Anne," inulit ko, "ang gaganda ng mga pangalan. Sana ganun talaga ang pagkakasunod ng mga anak natin."

"Kaya Thesis," saad niya, "bibili ako ng ovulation kit mamaya. Tapos sumama ka kina Patricia at Janine, sinabi ko na sa kanila na tulongan kang ipaghanda ang first night natin," saad niya sabay wiggle ng kanyang kilay.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon