Action 1 - And It Began

114K 2.4K 237
                                    


Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Vivi's POV*

Nakapalibot kami sa round table sa opisina ni Roger upang pag-usapan ang muling paglitaw ng isyu tungkol sa relasyon ni Kaz at Patricia. Nagkaroon kasi ng blind item tungkol sa lihim nilang pagkikita na hindi ako kasama. Siguro, maliban sa amin ni Dee, meron ding ibang taga-media ang sumusunod sa kanila noong gabing iyon.

"Naparito tayo para ayusin ang problema," saad ni Roger, "dahil ibinalik ang isyu tungkol sa ugnayan nina Kaz at Patricia, kailangan nating gumawa ng hakbang upang patigilin ito."

"Kahit ano pa ang gawin natin," sambit ni Louwinsky, "hangga't nasa pamamahay ng mag-asawa ang babaeng yan, hindi talaga mamamatay ang isyu."

"Huwag niyo nang problemahin ang pagtira ni Patricia sa bahay namin," agad na sagot ni Kaz, "nakausap ko na si Stuart. He planned to do something to bring her home."

"That's good news," napangiti si Louwinsky.

"Pag-uusapan ng barkada ang tungkol diyan kaya iba na lang ang problemahin niyo," patuloy ni Kaz.

"Okay," binuksan ni Roger ang folder na nasa harap niya, "may proposal ang isang talk show para sa inyo."

Tahimik kaming lahat habang hinintay na ipaliwanag ni Roger ang proposal ng sinasabi niyang reality show.

"Ipagdidiriwang ng talk show ang ikalimang taong anibersaryo nila ng isang buwan. Isa sa naisip nilang gagawin ang gumawa ng one-week reality TV special. Pauunlakan nila ang limang mag-asawang nanalo sa pacontest nila ng isang araw na get-away date. KIsa sa mga pauunlakan nila ay ang mag-asawang may baby. Naisipan ng talk show na habang nag-date ang mag-asawa, kayo ang maiiwan sa bahay upang bantayan ang bata," paliwanag ni Roger.

"Talaga? Wow! Exciting yan." na-excite ako sa narinig ko.

"Tsk," inirapan ako ni Kaz, "bata ang pinag-uusapan dito, Thesis, hindi manika."

"Alam ko," inirapan ko rin siya.

"Hindi na kayo pwedeng umatras, Kaz," putol ni Roger sa usapan namin, "nafinalize na ng programa na kayo ang mag-asawang magbabantay sa bata. Yun din kasi ang utos ng network management. Kayo kasi ngayon ang pinakasikat na real-life love team kaya inaabangan ng tao ang takbo ng relasyon ninyo. Besides, everybody is thinking that Vivi is pregnant kaya naisip ng management na magiging magandang training niyo ito bilang soon-to-be parents."

"P-pero hindi naman talaga ako buntis," hindi ko napigilan ang sarili ko na magreklamo.

"Just go with the flow, Vivi," pagsusumamo ni Louwinsky.

"Pero hindi ba sila magtataka kung bakit hindi lumubo ang tiyan ko?" tanong ko.

"Saka na natin pag-isipan yan. In the meantime, ito muna ang gagawin natin," ma-awtoridad na saad ni Roger, "simula ngayon, magbasa na kayo ng mga tips kung paano mag-alaga ng baby dahil susundan ng camera ang bawat kilos ninyo sa araw na iyon."

Pareho kaming hindi nakakibo ni Kaz sa utos ni Roger pero excited na kinakabahan akong napaisip. Isang araw na kasama si Kaz tapos may baby habang sinusundan kami ng camera. Ibig sabihin, hindi pwedeng magsungit si Kengkoy. Napangisi ako sa isipang iyon. Pilyo kong naisip na sasamantalahin ko ang pagkakataon. Ang alam ng lahat ay buntis ako, ibig sabihin, pwede akong magkunwari na naglilihi ako.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon