Action 4 - Baby Love

110K 2.3K 158
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Vivi's POV*

-------- 8 YEARS AGO ---------

"Angela, saan mo ba ako dadalhin?" hinihingal kong sabi habang nagpatianod sa paghila sa akin ng aking bestfriend.

"Vivi," huminto siya saka hinarap ako, "di ba sabi ko sayo gusto kitang maging kapatid?"

Hindi ko alam kung bakit niya ito tinanong pero tumango ako dahil nasabi nga niya yun sa akin.

"Well," excited siyang nagsalita, "nakaisip na ako ng paraan para maging totoo yung pangarap ko."

"Ano?" kunot noo kong tanong.

"Di ba sabi mo crush mo ang kuya ko?" saad niya.

"Sshh," agad kong tinakpan ang bibig niya, "baka may makarinig sayo."

"I don't care!" saad niya, "ikakasal ka rin naman sa kuya ko kaya malalaman ng lahat ng girls sa school na taken na ang kuya ko."

"Anong ikakasal?" nagulat ako sa sinabi niya.

Napagikgik siya saka sinabing, "huwag kang maarte ha, mahal kaya ang bayad ko sa marriage booth."

Agad kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalong lalo na noong makita kong hila-hila ng mga lalaking naka on-duty sa marriage si Kuya Gelo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magpapakipot ba ako? Kunwari ayoko sa marriage booth tapos tatakas o mananatili akong cool?

Naisip kong tumakbo na lang pero napako ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin namin at ningitian niya ako. Si kuya Gelo, ang angel ng buhay ko, ningitian ako. Hindi ko na namalayang iginiya na pala ako ni Angela sa ginawang altar ng marriage booth.

Naramdaman ko ang paglagay ng belo sa ulo ko habang pinag-isa naman nila ang mga kamay namin. Pakiramdam ko ay nasa ulap kami dahil biglang nagliwanag ang paligid at tanging si Kuya Gelo lang ang naaninag ng paningin ko. Nakangiti siya sa akin!

Hindi ko maiwasang mamangha sa mahaba at kulot niyang buhok habang nakakatunaw naman ang titig. Ang ganda ng mata niya na mas lalong na-emphasize dahil sa lunal malapit sa kanyang kanang mata. Ngumiti siya sa akin kaya bahagyang natigil ang paghinga ko. Hindi katulad ng iba na pumapangit dahil sa braces, mas lalong nakakainlab ang braces niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya dahil hindi ko rin naman naririnig kung ano ang pinagsasabi ng estudyanteng nagpanggap bilang pare.

"You may kiss the bride," nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang sinabi ng pari-parian.

"Kiss! Kiss!" sigaw ng mga estudyanteng nanood ng kasal namin.

Hindi ko alam kung tama ba pero kung sakaling hahalikan niya ako, hindi ako tututol. Tumayo ako ng tuwid nang maramdaman ko ang paglapit niya. Tulad ng nakikita ko sa mga pelikula, agad kong ipinikit ang aking mga mata at hinintay ang pagdampi ng kanyang labi sa labi ko.

Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking noo kaya hindi ko napigilang ilabas ang aking pagkadismaya sa pamamagitan ng pagbuga ng hangin.

"Saka na kita hahalikan sa labi kapag ikinasal na talaga tayo sa tunay na simbahan," saad niya.

"Ikakasal?" wala sa sarili kong sambit, "papakasalan mo ako?"

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon