Action 6 - Totally Spies

105K 2.3K 283
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Kaz's POV*

Pinilit kong bumangon kahit may konting hang-over pa ako. Hindi naman ako gaanong lasing kaya nakabalik ako ng maayos sa kwarto. Hindi rin naman nagtagal sina Vivi sa amusement park dahil ilang minuto lang mula pagpasok ko sa silid namin ay sumunod na rin ito. Napagkasunduan namin ni Dee-lan na ilalayo namin si Vivi kay Angelo. Kaibigan ko si Angelo pero may Rubi na siya at akin si Vivi kaya kukunin ko kung ano ang akin.

"Napahanda mo na ba?" tanong ko kay Dee-lan nang sumalubong ito sa akin.

"Ba't ang tagal mong bumangon?" kunot noong tanong niya.

"Masakit pa kasi ulo ko eh," napahilot ako sa sentido, "ano? Napahanda mo na ba?"

"Kung tinatanong mo ay yung tungkol sa romantic breakfast ninyo ni Vivi sa tabing dagat, kalimutan mo na!" inis na saad niya, "gusto pala ni Vivi ang kumain ng agahan sa floating cottage."

"Aist!" hindi mapigilang ilabas ang inis ko.

"Sino ba yang Angela na sinasabi nila?" tanong ni Dee-lan.

"Kapatid ni Angelo, bakit?" sagot ko.

"Yan kasi lagi ang sinasabi ni Angelo kaya napapayag niya si Vivi. Katulad kagabi, dahil kay Angela kaya sila pumunta ng amusement park. Kaninang umaga naman, yun daw ang gustong gawin ni Angela," saad niya.

"Patay na kasi si Angela at siya ang matalik na kaibigan ni Vivi," paliwanag ko.

"May sarili bang kwarto ang Angela na yan sa resthouse?" tanong niya.

"Oo. Bakit?" malimit kong sagot.

"Naisip ko lang na baka pwede natin itong tignan at nang malaman natin kung anu-ano ang mga gusto nitong gawin para sa susunod, maunahan natin si Angelo," saad niya.

Bahagya akong napaisip saka sinabing, "sumunod ka sa akin."

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Dee-lan.

"Paparazzi ka di ba? May naging role naman ako na detective kaya gagamitin natin ang mga kaalaman natin upang maunahan si Angelo," sagot ko.

"Desidido ka na talagang kunin si Vivi noh?" kantiyaw niya sa akin.

"Pagtawanan mo man ako, hindi ko ipagkakaila na nagseselos na ako kaya gagawin ko ang lahat para mabaling sa akin ang atensyon ng asawa ko," inirapan ko siya.

"Okay, okay," itanaas niya ang kanyang dalawang kamay na animo'y sumusuko, "ikaw na ang masusunod, boss!"

Kilala naman ako ng mga katiwala dito kaya hinayaan na lang nila akong pumasok at umakyat sa ikalawang palapag. Mabilis naming narating ang silid ni Angela. Walang alintangan namin itong pinasok saka pinagtitingin ang mga kagamitan.

"Ang ganda naman pala ng kapatid ni Angelo," saad ni Dee-lan habang nakatingin sa isang litrato.

"Huwag mong galawin ang mga yan," saad ko, "masinop si Angelo sa gamit. Alam niya kung nagalaw ang mga ito."

"Ano ba ang ikinamatay ni Angela? Nagkasakit ba siya?" tanong ni Dee-lan habang hindi pa rin inalis ang tingin sa litrato.

"Yun nga ang masakit. Sana nagkasakit na lang siya pero hindi eh," namaywang ako habang tumabi sa kanya, "ginahasa siya ng pitong lalaki saka pinatay. Kasama niyang namatay ang ina nila at ang mga kasambahay noong gabing iyon."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon