Action 7 - Harana

98K 1.9K 94
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Viv's POV*

Pakiramdam ko mga ilang minuto akong nakatunganga kay Kaz dahil hanggang ngayon hindi ko maisip ang dahilan kung bakit nasa ilalim siya ng kama. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang titig. Para kasi itong naiinis na nag-alalang nakatingin sa akin. Kung ano man ang ikinainis niya, wala akong maisip na dahilan at kung nag-alala man siya, hindi naman siguro dahil pumasok ako sa isang kwarto na mag-isang kasama si Angelo. I mean, magkaibigan sila at alam kong alam niyang walang masamang gagawin sa akin si Angelo.

Nakita ko ang pagpakawala niya ng hininga saka namaywang at pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"Kengkoy?" tanging nasambit ko.

Hindi niya ako sinagot pero tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Nagseselos ka?" hindi ko alam kung bakit yun pa ang lumabas sa bibig ko. Kung nagulat man ako sa nasabi ko, mas nagulat naman si Kaz.

Bilog ang mga mata niyang tumingin sa akin. Hindi ko naman alam kung tatawa ba ako para pagtakpan ang sinabi ko sa sabihing nagbibiro lang ako o yuyuko na lamang at mariing ipikit ang mga mata para hintayin kung anumang insulto ang masasabi niya sa asuming kong comment.

"Huli ka!" pinili ko ang unang option at pilit na tumawa pero humina ang tawa ko nang mamalayan kong blankong ekspresyon lang ang iginawad niya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko na lang.

Kinabahan ako nang maramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa palapulsuhan ko saka ako hinila patayo mula sa kama. Nagmadali naman ako sa pagtayo saka isinuot ang tsinelas dahil patuloy lang siya sa paghila sa akin palabas ng silid. Malalaking hakbang ang ginawa niya kaya nahirapan akong sabayan siya at dahil doon, mas naramdaman ko ang higpit ng pagkahawak niya.

"K-kengkoy," saad ko, "dahan-dahan lang," reklamo ko.

Tila walang narinig ang kasama ko dahil patuloy lamang siya sa paglakad habang hila-hila ako. Dahil nasasaktan ako, naisipan kong magreklamo ulit, "Kengkoy, nasasaktan ako!"

"Aray! Kengkoy, nasasaktan ako," daing ko sa taong wala namang pakialam sa akin.

"Kengkoy, ano ba!" buong lakas kong hinila ang aking kamay kaya ko ito natanggal mula sa mahigpit niyang pagkahawak ngunit mabilis ang pangyayari.

Huminto siya sa paglakad at agad akong hinarap para sakopin ang aking mga labi. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya dahil hindi ko inasahan ang paghalik niyang iyon.

Mariin, mapusok, puno ng emosyon ang halik niyang iyon kayo noong bahagya niyang sinipsip ang ibabang labi ko ay agad akong napasinghap. Nagbigay ito ng pagkakataon upang pasukin ng kanyang dila ang aking bibig. Aaminin ko, ilang beses ko na siyang nahalikan pero ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang halik niyang iyon.

Isang mapang-angking halik iyon na para bang wala nang bukas. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumugon sa bawat galaw ng kanyang bibig. Pilit ko ring sinabayan sa pag-eskrima ang kanyang dila hanggang sa nalunod na rin ako sa kakaibang sensasyon na iginawad nito sa akin.

CLICK!

"Perfect!" pareho kaming natigil sa ginawa namin saka lumingon sa pinanggalingan ng boses.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon