Camera 15 - Coming to Terms

102K 2.3K 202
                                    

Dedicated to Geallan Fleming (wala kasing UN kaya name mo na lang... sana magustohan mo 'to)

*Vivi's POV*

Nalungkot ako sa nakita ko. Siguro naiisip nilang hadlang ako sa relasyon nila. Hadlang nga ba ako? Pwede namang putulin na namin ang pagpapanggap, bakit kailangan pa nilang itago ang relasyon nila? Maiintindihan ko naman kung gusto nilang mapag-isa, hindi nila kailangang magsinungaling para lang magkaroon sila ng oras para sa isa't isa.

"Alis na tayo, Dee," saad ko sa kasama ko.

"Okay ka lang ba?" mahinang tanong niya sa akin.

"Wala rin naman akong magagawa, di ba?" sagot ko sa kanya.

"Dee, matanong nga kita?" tumingin ako sa kanya, "bakit flirtationship lang ang hinihingi mo sa akin? Bakit hindi higit pa sa flirtationship ang inaasahan mo mula sa akin?"

Nakita ko ang pagbuntong hininga niya, "dahil para hindi tayo parehong nasasaktan."

"Hindi ba masakit pa rin yun? Paano kung isa sa atin ang mahulog?" tanong ko.

"Hindi ka mahuhulog sa akin, Vivi," saad niya, "dahil alam kong mahirap akong makapasok sa puso mo. Nandiyan pa kasi si Kengkoy."

"Eh, ikaw? Sino ang nandiyan sa puso mo? Bakit sigurado kang hindi ako makapasok diyan?" tanong ko.

"Haist, tara na nga!" inakbayan niya ako saka pilit isinabay sa paglakad niya.

"Sagutin mo na ako!" pamimilit ko.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya saka nagsalita, "punta muna tayo sa isang art exhibit para pwedi tayong makapag-usap habang naglalakad. Delikado kasi baka may makakakita sa atin."

Tahimik kaming naglakad sa hallway ng exhibit. Walang tao, tanging ang isang matandang babae lamang na nagbabantay sa entrance at ang kasama nitong guard ang nakakakita sa amin. Hindi rin nila ako nakilala kasi yung matanda, halatang malabo na ang mata, yung guard naman, busy sa nilalarong COC.

"Dee, kwento na," pamimilit ko habang mahinang niyugyog ang kanyang braso.

"Okay," hinawakan niya ang sling ng kanyang bag na nakasabit sa isang balikat niya habang namulsa naman ang isang kamay, "may girlfriend ako."

"Girlfriend?" nagulat ako sa narinig ko, "loko ka! Ano gusto mo? Aawayin ako?"

Mahina siyang tumawa saka sinabing, "hindi ka aawayin nun, hindi naman niya malalaman."

"Anong hindi?" inis akong napaharap sa kanya.

"Easy lang, okay," hinarap niya ako, "hayaan mo muna akong magkwento saka magreact ng ganyan."

"Okay," nakasimangot kong saad.

"Nagkita kami sa isang maliit na modeling company. Unang trabaho ko yun bilang photographer habang siya naman ay isa sa mga baguhang models ng kompanya. Pangarap niyang maging sikat na model kaya noong hindi siya masyadong napapansin ng kompanya, inalok ko siya ng isang libreng photoshoot. Maganda ang kinalabasan ng photoshoot kaya naisipan naming ipasa ito sa Asia's Next Top Model. Habang hinihintay namin ang sagot ng application niya ay nagkamabutihan kami ng loob. Lumalim ang pagtitinginan namin sa isa't isa hanggang sa matanggap niya ang alok na makasali sa naturang contest. Ayoko namang pigilan siya sa gusto niya kaya bilang boyfriend, sinuportahan ko siya kahit kailangan naming itago ang relasyon namin," kwento niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Contest kasi yun," saad ni Dee-lan, "ayaw naming magiging sagabal ang relasyon namin sa pagsali niya. Hindi kasi namin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga organizers lalong lalo na na isa ako sa nakuhang photographer ng contest."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon