Action 18 - What About the Promise

97.1K 1.8K 123
                                    

*Vivi's POV*

Abala ang lahat sa kani-kanilang mga tungkulin para sa kasal namin ni Angelo habang wala akong ganang nakaharap sa salamin upang hayaan ang make-up artist na gawin ang kanyang trabaho. Hindi naman ako umiimik sa tuwing mapag-uusapan nila ang tungkol sa biglaang pag-atras ni Kaz sa pagiging best man ni Angelo.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil muli na naman siyang aalis na walang paalam. Galit ako. Galit ako dahil hindi man lang siya gumawa ng paraan upang magkausap kami. Hinayaan niyang matuloy ang kasal na wala man siyang ginawang pagtututol. Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil alam kong pagkatapos ng araw na ito, mananatili na lang na alaala ang kung ano man ang meron kami ni Kaz.

"Vivi," malungkot na saad ni Ate Violet, "ilalabas na si mommy para daw makadalo sa kasal niyo."

Hindi ako sumagot pero ningitian ko siya. Alam kong nagsisisi siya sa ginawa niyang pagtalikod sa desisyon ni Daddy. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya dahil sa mga nangyaring ito. Dahil diyan, ayokong ipakita sa kanya na malungkot ako ngayon.

"Miss Vivi," lumapit ang wedding coordinator, "may tawag ka."

Hindi ko alam pero bahagya akong umasa na sana si Kaz ang tumawag, "My Bell?" bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang tinig ng kabilang linya.

"Hero ko," sagot ko.

"Malungkot ka," saad niya.

"Hindi naman," agad kong sagot.

"Huwag ka nang magpanggap," sagot ni Angelo, "matamlay ang boses mo kaya alam kong malungkot ka."

Napakagat ako ng labi nang marinig ko ang saad niya. Mapagmasid si Angelo at sa konting panahon na nagkasama kami, alam na niyang basahin ang bawat galaw ko, "sorry," mahina kong saad.

"My Bell," narinig ko siyang bumuntong hininga, "ikakasal na tayo. Will you please try to be happy?"

"I will, Angelo," huminga ako ng malalim, "I will."

"Good," malungkot niyang saad, "kailangan ko ring maramdaman na masaya ka. I need to assure myself that I am doing the right thing."

"We're in this together," saad ko habang kinukumbinsi ko rin ang sarili ko na kakayanin koi to, "sabay nating malalagpasan ito."

"Sige," saad niya, "I'll meet you in the church."

"I'll see you," saad ko saka ko narinig ang pagputol ng kanyang tawag.

Gusto kong isipin na tama ang gagawin ko ngunit iba ang sinisigaw ng puso ko. Sinasabi nito na tumakbo na ako habang pwede pa. Sinasabi nito na hanapin ko ang tunay kong kaligayahan habang may pagkakataon pa.

"Vivi," bumalik ang wisyo ko nang maramdaman ko ang pagtapik ni ate Patricia sa balikat ko, "gusto mong tawagan ko si Kaz?"

"No," umiling ako, "huwag na."

"Pero sa tingin ko dapat kayong mag-usa –"

"Hindi na kailangan," naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko sa mata, "umalis siyang walang paalam, it means, he intended not to speak with me."

"Baka may mabigat na dahilan," nag-alalang saad ni ate Pat.

"Ate," bumuntong hinga ako, "kung gusto niya akong tawagan, gagawin niya kaso hindi niya ginawa."

"Hindi ko alam ang dahilan ni Kaz," saad ni ate Pat, "but please believe me when I say na mahal ka ni Kaz."

"Alam ko naman yan, Ate Pat," hinarap ko siya, "at alam ko rin na hindi sapat ang pagmamahal na yan upang maisipan niyang kausapin ako bago ako ikasal sa kaibigan niya."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon