Action 13 - The Truth Revealed

101K 2.1K 151
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Vivi's POV*

Sa halip na dumiretso kami sa ospital upang kausapin si daddy, napag-usapan namin ni Kaz na puntahan muna si Roger sa opisina nito, kung saan din niya dinala ang lasing na si Louwinsky. Nalulungkot ako dahil sa nangyari ng kaibigan ko pero hindi rin maialis sa akin ang magalit sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi porke't nasaktan siya ay pwede na niyang sirain ang relasyon ng mga taong malapit sa kanya.

"Where is she?" agad kong tanong nang pagbuksan kami ng pinto ni Roger.

Hindi kumibo si Roger bagkus mas nilakihan ang pagkabukas ng pinto kaya agad kong nakita si Louwinsky na nakasabunot sa buhok niya habang nakaupo sa sofa. Lalapitan ko na sana siya ngunit agad nagsalita si Kaz mula sa likod ko.

"Bakit mo kami nilaglag!" napatingin si Louwinsky sa gawi namin nang marinig niya ang boses ni Kaz.

"I am just protecting my talent," mariin niyang sagot.

"Protecting?" sarcastic na ngumiti si Kaz, "you just destroyed her name!"

"Ang pangalan pwede pang magawan ng paraan pero hindi ang durog na puso!" tumayo si Louwinsky habang nakipagtagisan ng tingin kay Kaz.

"Are you out of your mind?" bulyaw ni Kaz, "hindi ko magagawang durogin ang puso ni Vivienne"

"Oh really," sarcastic na tumawa si Louwinsky, "kinareer niyo na ba talaga ang pagpapanggap na kahit sa harap ko ay ginagawa niyo na?"

"Louwinsky!" hindi ko napigilan ang sigawan siya.

"Sasaktan ka lang niya Vivi," tumingin siya sa akin, "lumayo ka na sa kanya. Bumalik ka na sa condo, just like the old times."

"Nagmamahalan kami ni Kaz," seryoso kong saad.

"Nagmamahalan? Alam na ng buong mundo na peke ang kasal niyo," sagot niya.

"You know very well the real score of the wedding," galit na saad ni Roger, "alam mong legal ang kasal ng dalawa."

"Yan ang akala niyo!" pabalik balik siyang tumingin sa amin, "nagduda ang daddy ni Vivienne sa tunay na pakay ng biglaan niyong pagpapakasal kaya nakipagkasunduan siya sa inyo."

"What do you mean?" tanong ni Kaz.

"Sino bang bobong judge na pipirma ng isang kontrata ng kasal na pwedeng mapawalang bisa sa loob ng isang taon?" iniwasiwas ni Louwinsky ang kanyang kamay sa ere, "wala di ba? Di niyo ba naisip kung anong klaseng legal na papeles ang meron yan?"

"I do not understand?" saad ko dahil nagulat ako kung bakit nasangkot ang ama ko sa usapang ito.

"Makinig ka, Vivi," hinarap niya ako, "nakipagkasunduan yang peke mong asawa sa ama mo. Ang kasunduan, magiging legal lamang ang kasal niyo pagkatapos ng isang taon at kung napatunayan niyang tunay talaga kayong nagmamahalan. May dalawang kondisyon ito: ang mabuntis ka bago matapos ang isang taon o ang piliin mong manatiling asawa niya."

Lumingon ako kay Kaz na ngayon ay napahilot sa noo saka ko hinarap ulit si Louwinsky, "malinaw ang kasunduan at pipiliin kong manatili bilang asawa ni Kaz kaya walang problema. Hindi mapapawalang bisa ang kasal namin."

"Mali, Vivi," saad ni Louwinsky, "hindi niyo ba napansin na apat na papeles ang pinirmahan niyo sa araw ng inyong kasal?"

Nagkatinginan kaming tatlo nina Kaz at Roger bago nagsalita si Kaz ng , "Oo."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon