Action 17 - Salted Wound

95.7K 1.8K 176
                                    

*Vivi's POV*

Tahimik kaming nakapalibot sa hapag kainan upang mapag-usapan ang tungkol sa proposal ni Angelo. Hindi ko naman alam kung ano ang itatawag ko sa nararamdaman ko ngayon. Bahagyang nawala ang aking pag-alala dahil alam kong hindi ako sasaktan ni Angelo ngunit hindi naman napawi nito ang lungkot dahil alam kong sa desisyon naming ito, mawawala na ang pag-asa kong magkabalikan pa kami ni Kaz.

"Tito," binasag ni Angelo ang katahimikan, " I would like to ask the hand of Vivienne in marriage."

Ngumiti ang aking ama saka sinabing, "I was afraid you'll never say that," tinapik niya ang balikat ni Angelo, "matagal ko nang inasam na maging manugang kita. Apart from the business side, alam kong hindi mo ipapahiya ang anak ko."

"Well?" magiliw na saad ng ama ni Angelo, "then it is settled. Siguro ngayon na natin dapat pag-usapan ang detalye ng kasal."

"Hindi ba dapat hintayin natin ang pagrecover ni Mommy?" tanong ni Ate Violet, "I am sure gugustohin niyang maging parte sa kasalang ito."

"Hindi na kailangan," ma-awtoridad na saad ni Dad, "kailangan ni Charm ng ibayong pahinga."

"I agree with her, Violet," saad ng ama ni Angelo, "besides, we can afford to hire the best wedding planner in the country."

"Kailan niyo plano gawin ang kasal?" tanong ni Ate Violet habang naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko na nakatago sa ilalim ng mesa.

"Sa lalong madaling panahon," saad ni Dad.

"Bakit kayo nagmamadali?" saad ni ate, "hindi ba dapat paghandaan natin ito. This is going to be a big wedding."

"Hindi mo kailangang magpanic, Violet," saad ni Dad, "with the connections of both companies, I am sure we can handle all these in no time. Vivienne will have the grandest wedding of the year."

Nagtama ang mga mata namin ni Angelo. Ayokong ipakita sa kanya na hindi ko naappreciate ang effort niya kaya ngumiti ako saka ako huminga ng malalim. Hindi ko naman kailangan ng isang engrandeng kasal. Aanhin ko yun kung hindi ko naman mahal ang taong pakakasalan ko? Naiiyak ako pero pinipigilan ko ito. I do not want Angelo to feel rejected. Sobrang rejected na ang nararamdaman niya from Rubi, I can't be another Rubi in his life.

"I think we should start thinking on who will be included in the entourage," suhestiyon ng ama ni Angelo, "nandito lang din naman tayo, let's start making an initial list."

"Magandang ideya yan," matamis na ngumiti si Dad saka lumingon sa katulong na nakatayo sa gilid, "kumuha ka ng ballpen at papel."

"Siguro simulan natin sa kung sino ang Maid of Honor at Best Man," saad ni Dad habang tumingin sa akin.

"I'll have Matron of Honor," sabi ko, "si Ate Violet ang gusto ko."

"I will have Kaz Legaspi as my bestman," lahat kami napatingin kay Angelo. He was adamantly eating his meal na parang wala lang impact yung sinabi niya.

"Are you serious, anak?" nag-alalang tanong ng ama ni Angelo.

"Kaz is my best bud, Dad," patuloy lang sa pagkain si Angelo, "besides, he is technically the only single man in the group."

Hindi ko alam kung ano ang pakay niya pero aaminin ko, gusto ko ring makita si Kaz, kahit sa ganitong paraan na lang.

"Paano kung hindi siya darating?" tanong ni Daddy.

"He will," seryosong saad ni Angelo.

"Ikaw bahala," nababahalang sagot ni Daddy.


My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon