"Sandali lang" pigil ng lalaki sa kanya. "Bakit ba napakalaki ng galit mo sa kanya? Hindi ka ba natutuwa at -" putol na wika nito.
"Matuwa? Hahahaha! Ganito bang katuwaan ang gusto mong maramdaman ko?"sarkastikong wika ng binibini.
"Inalisan nya ako ng karapatang mabuhay ng normal! Ninakaw nya ang buhay ko para lang sa pansarili nyang kagustuhan! Tapos gusto mo akong matuwa? Wag kang hangal Ginoo." galit na sambit ng binibini. Halos mayanig na ang kalupaan sa galit at poot na kanyang nararamdaman.
"Pero..Binigyan ka naman nya ng panibagong buhay" dagdag pa ng lalaki.
Tumahimik ang paligid.Pigil hiningang inaabangan nila ang galit na pagsagot ng binibini.
Ngunit.
"Pero hindi ito ang buhay na gusto ko." mahinang sambit ng binibini. Puno nang lungkot at awa sa sarili ang nababanaag sa mga kulay abong mga mata nito.
Kasabay ng malakas na pag ihip ng hangin ay ang kanyang paglaho.
---------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/5471689-288-k758133.jpg)
YOU ARE READING
ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]
AdventureERINA. Isang mundong puno ng hiwaga at kapangyarihan. Eto ay binubuo ng 4 na kaharian. Ang Medius, Inferia, Floris at Eres. Sundan natin ang paglalakbay ng ating bida mula sa mundo ng Chikyu hanggang sa mundo ng Erina. Bookcover by @Yssanecross