Chapter 6. Haki

563 28 3
                                    

=======================================================================

"Malamang katapusan ko na" mariing ipinikit ng dalaga ang kanyang mata at inihanda ang sarili sa napipinto nitong kamatayan.

ARRRRGGGGGGGGGGHHHHH!!

Sigaw ng mga halimaw matapos magliwanag ang paligid. Napadilat si Ruri ng makita niya ang isang nilalang na lumabas sa isang lagusan.

Nakita nila kung paano nilabanan ng lalaki ang mga halimaw na yun gamit lamang ang mga kamay nito. Waring isang matalim na espada ang mga kamay nito na humihiwa sa mga halimaw.

Sabay sabay na sinugod ng mga halimaw ang lalaki.

GRAAAAAAWWWRRRR.

Kasing bilis ng liwanag ang mga kilos ng lalaki. Pinalibutan siya ng apat na halimaw. Dalawa sa harap at dalawa sa likuran. Nakita nila ang dugong pumapatak sa lupa. Galing ito sa lalaki. Eto ang natamong sugat niya sa pakikipaglaban mula sa kampon ni Eresu.

Kinuha muli ni Ruri ang isang pirasong kahoy na nagkalat. Agad niyang dinaluhan ang binata sa pakikipaglaban. Ipinampalo niya ito sa halimaw ngunit marupok ang kahoy,nawasak lamang ito.

Bumaling ang halimaw sa kanya. Ngayong malapit sa mukha niya ang halimaw lalo siyang nahindik.

"AAAAHHHHHHHHHH!" sa sigaw niyang yun biglang umihip ang hangin.

Napatigil saglit ang lalaki sa naramdamang aura. Muli ay Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban. Ngunit habang tumatagal ay mas dumadami ang mga halimaw.

"Raijin" bulong nito.

Pagkatapos niyang ibulong ang salitang yun ay lumabas sa katawan niya ang libo libong kidlat at tinamaan ang mga halimaw. Unti unti silang naglaho,

Matapos nang kanyang pakikipagsagupa sa mga halimaw na yun at humarap siya at lumapit sa dalaga.

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum