Chapter 1. Normal Life.

1K 42 4
                                    

Chapter1.

"Pinedaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ng isang lalaking nasa edad 40, tipikal na itsura ng isang masungit na boss,mataba at napapanot na. Ito ang boss ni Ruri.

 "Ay palakang bakla! Ano po iyon?" sagot nya na nagmamadaling pumanhik sa kinaroroonan ng boss nito. Takot lang nito sa boss niyang pinaghalong mukha ni Shrek at ni Piccolo.

  "Hindi bat sinabi ko sayo na ayusin mo ang lahat ng resibo ng suppliers natin?I-file mo at ilagay sa desk ko?I need those receipts immediately!" sigaw nito. Halos matuliro naman ang tenga ni Ruri dahil sa lakas ng boses nito na animo'y nakalunok ng megaphone.

 "Hay naku!" marahas na buntong hininga ng dalaga. "Akala ko naman kung ano na! Sir Alo kahapon ko pa po tapos yun at nailagay ko na po sa desk nyo malapit dun sa may computer table nyo ho" sagot naman nya.

"Ah ganun ba? Sige bumalik ka na sa opisina mo". sambit nito.

 "Dapat kasi mata yung gamitin,hindi yung bunganga.Tss." mahinang bulong nito.

 

"May sinasabi ka?" ang amo nito.

"Wala ho. Babalik na ho ako sa pwesto ko Sir Raulo ay Raul Alo pala" nakangusong sagot nito. Bumalik na ito sa kanyang lamesa. Naiinis siya sa boss niya, lagi na lang kasi siya nitong pinag iinitan. Minsan naiisip niya baka nga naman type siya nito. 'Ewww! Yuck lang!'

 "Malas mo Ruri, paborito ka ni Sir Alo. Hahaha." sabay sabay na nagtawanan ang mga kaopisina nito na ikinainis naman niya.

"Tumahimik kayo mga panget! Tse!" simangot nito.

 Natapos ang buong maghapon ni Ruri na wala siyang ibang narinig kundi ang boses ng amo nya. 'Nakakarindi!'

 "Hay naku sumasakit na eardrum ko sa bunganga ni boss. Huhuhu" magdamag din siyang nagsisintir. Panay ang emote nito. 5pm na. Nagsimula na tumunog ang bell hudyat na uwian na. Palabas na si Ruri ng opisina ng makita nito si Al. Ang ultimate crush niya.

Mabilis na hinabol ng dalaga ang kaopisina. Kunwari pang hindi niya napansin na naroroon ang binata. Binati naman niya ito.

"Hi Al. Pauwi ka na ba?" obvious teh pauwi na siya kaya nga uwian diba. Tangeks ko talaga. bira ng konsesnya niya. Todo ngiti naman siya habang kausap si Al.

 "Oo. Sige Pin una na ako." - nagpaalam naman kaagad ang binata sa kanya. Nalungkot ang dalaga dahil uuwi na agad ang crush niya.

 "Uh. Sige ingat".  yun na lamang ang tanging nasambit ng dalaga. Tumalikod na ito at tinungo ang daan palabas. Nakasimangot ito na tila ba nabagsakan ng langit at lupa. 'Hays!'

"Pin!" muling tawag ni Al kay Ruri. Lumingon naman ang dalaga. Pigil hiningang napapangiti siya. 'Shiz! Tinawag niya ako! Baka sasabihin niyang, Ruri ihahatid na kita. Yeah baby!'

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Where stories live. Discover now