Chapter 11.

600 32 17
                                    

Patuloy ang ginagawang paglalakbay ng mga prinsipe kasama ang kanilang mga mandirigma. Hindi na nila alintana ang haba ng kanilang paglalakbay. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin maniwala ng Prinsipe Sho na wala na nga si Medea.

"Aabutin tayo ng takip silim kung hindi natin bibilisan ang paglalakbay na to, kailangan na natin magmadali."

"Onii-sama, alam kong mahirap para sayo na tanggapin ang pagkawala niya ngunit hindi lamang ikaw ang nag iisang tumatangis sa pagkawala niya, kaya huminahon ka. Kailangan mo nang tanggapin na wala na siya. Maaring isa na ito sa binanggit ni Baba na bugtong." - Kai

"Hindi! Hindi maaari! Hindi pa siya patay. Alam ko, nararamdaman kong buhay pa siya. May katulad siyang aura na nararamdaman ko, kaya malakas ang pakiramdam kong buhay pa si Medea."

Tumahimik na lamang ang Prinsipe Kai at hinayaan ang kapatid sa iniisip. Wala rin naman nang mangyayari kahit na makipagtalo pa ito sa kapatid. Maya maya ay bigla na lamang huminto ang kanilang karwahe.

"Anong nangyari? Bakit tayo huminto?" tanong ni Sho.

"Kamahalan, may isang puting kalapati ang papalapit sa direksyon natin." ani ni Maia.

Agad na bumaba ang dalawang prinsipe mula sa karwahe at hinintay ang pagbaba ng kalapati. Dumapo ito sa braso ni Dylan. Nagliwanag ang katawan ng kalapati at unti unti ay nagpapalit ito ng anyo kaya naman ay hinugot nila Sho at Kai ang kanilang mga espada.

"YAAAH!" sigaw ng isang maliit na nilalang. "Ibaba niyo po ang mga hawak niyong sandata hindi po ako isang kalaban. Ako po si Aster, ang alagad ni Panginoong Shino na mula sa kaharian ng Floris. Naririto po ako para ihatid sa inyo ang sulat ng Reyna Floriccina."

Marahang ibinaba ng mga prinsipe ang kanilang mga espada. Ipinakita naman ni Aster ang simbolo ng Floris patunay na hindi siya kalaban.

"Kung ang mensahe ng iyong reyna ay patungkol sa pakikipag isang dibdib ko sa kanya'y kalimutan mo na lang at bumalik ka lamang sa inyong kaharian dahil hindi ako interesado." malamig na tugon ni Sho.

"Onii-sama! Hwag ka namang ganyan."

"Bakit Kaito? Kung nais mo'y ikaw na lamang ang makipag isang dibdib sa kanya."

"Ano... Mawalang galang na po ngunit hindi iyon patungkol sa sinasabi niyo po." Iniabot ni Aster ang sulat kay Prinsipe Sho.

Mahal na Prinsipe ng Inferia, 

Ikinalulungkot ko ang biglang pagpanaw ng isa nating kapanalig mula sa Kaharian ng Medius na si Medea. Ako'y lubos na namimighati. Nangangamba ako na maaring isunod naman ng gahamang si Eresu ang aking kaharian, nais ko sanang humingi ng tulong sa inyong mga taga Inferia. 

Bukod doon ay may hindi tayo inaasahang mga panauhin. May mga dayo mula sa mundo ng Chikyu ang napadpad sa aming kaharian at ayon sa kanila'y dinakip ng hindi pa kilalang lalaki ang kanilang kaibigan. Nasa matinding panganib ang Chikyung aking nabanggit.  

Nais ko sanang anyayahan kayong pumarito sa aking kaharian upang makita ninyo ang mga Chikyu at ang maaring hakbang natin para kay Eresu. 

Salamat at pagpalain kayo ng ating Diyosang si Erina.

Floriccina 

-

"Chikyu??!" sabay sabay na sambit nila.

"Opo mahal na prinsipe, nakita ko na rin po ang mga Chikyung nabanggit sa sulat ng Reyna." Aster

"Onii-sama, mabuting pumaroon tayo sa Floris upang malaman ang buong detalye."

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Where stories live. Discover now