Chapter 3. Welcome~

708 35 4
                                    

Chapter 3.

Pagkatapos ng halos 3 oras na byahe lumapag din ang eroplano dito sa Narita Airport.

Nasa isipan ko pa din yung babae sa balintataw ko. Ay naku ano ba naman kasi. Hindi ko na nga napansin na nasa harapan ko na ang pinsan ko.

 "Nihon e no kangei." (Welcome to Japan) masayang pagbati nya saken.

"Uh. Thanks " wala sa sarili kong sagot.

"Sislove???? Anong problema? Hindi ka ba masaya na ako sumundo sa iyo?" himig pagtatampo nya.

"Hindi sa ganun. Siguro pagod lang ako o kaya naman jetlag. Hehe. Tara na wag ka na magtampo." yun lang ang tanging nasambit ko sa aking pinsan.

Guniguni ko lang siguro. Sumakay na ako dun sa kotse nya.

Habang nasa sasakyan kame panay ang kwento nya saken. Pero wala ako maintindihan. Parang wala ako naririnig.

 Okupado pa rin ang isip ko dun sa nangyari sa eroplano.

 --

Ikot sa kanan,ikot sa kaliwa. Minsan pipirmi sa gitna.

 Waaaaaaa! Anooo ba! Hindi na ako makatulog ng maayos.

Paano ba naman kasi bawat pikit ko nakikita ko yung babae. Pati yung mga eksenang hindi ko naman maintindihan.

Naloloka na ako. May third eye ba ako? May multo ba dito sa eroplano. Baka naman katulad to nung napanood ko na Thai horror na The Dark Flight??.

 Erase erase. Tinatakot ko lang sarili ko eh. Bahala na nga.

 Mga ilang minuto lang lumipas. Eto na naman yung tinig nya. Isang awit parang lullaby. Maganda naman. Malamyos. Pero kada naririnig ko sumasakit ang ulo ko.

 Jusko. Ano ba to. Punta na lang ako Cr para makapaghilamos.

 Pumunta ako sa cr. Binuksan ko ang pinto humarap ako sa maliit na salamin habang nag hihilamos.

Nagulat ako dahil hindi ko mukha ang nakikita ko. Kundi siya. Yung babae.

Kinusot ko mata ko baka naghahallucinate na naman ako.

 Bigla nawala. Magic? Lol.

Dang! Ano ba nangyayari saken?" bulong ko sa sarili ko.

 Nakadrugs ba ako? Syempre hindi. Alam ko yun clean living kaya ako. Baka pagod lang to tsaka yung aftermath ng revelations ng ex papa crush kong si Al. Huhuhu.

 Maya maya'y nakatulog din ako.

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Where stories live. Discover now