Chapter 8. Morcella

535 29 6
                                    

***

MEDIUS

Tarin Forest

---

Ang sugatang si Medea ay pansamantalang nagpapahinga dito sa ilalim ng malaking puno ng Tarin. Kasama niya si Byakko na mahigpit siyang binabantayan. Kailangan niyang itago ang kanyang aura para hindi matunton ng mga kampon ni Eresu.

"Byakko,hinang hina na ang aking katawan. Mga ilang sandali pa'y tuluyan na akong mawawala. Gusto ko ng makita si Morcella." naghihinang sambit ng reyna.

Sapo sapo nito ang kanyang dibdib. Marami rin natamo na sugat si Medea sa labanan na naganap sa kanilang kaharian bago pa man sila makatakas.

"Ipagpaumanhin niyo po aking Reyna ang sasambitin ko ngunit labag sa kalooban ko ang ginawa niyong pakikipagkasundo kay Payra." himig ng pagkadisgusto ng kanyang spirit beast.

"Ngunit yun lamang ang paraan para maligtas ko ang nag iisa kong kapatid. Maintindihan niyo sana ang aking ginawa,dahil sa lubos na pagmamahal ko sa aking kapatid." tugon naman ng reyna.

May mga yabag silang naririnig na papalapit sa kinaroroonan nila. Nawala man ang imortalidad ni Medea nasa sa kanya pa rin ang iba niyang kapangyarihan. Naamoy niya ito. Naamoy niya ang hukbong papalapit sa kanila.

Mga obake. At may dalawang malakas na pwersa pa rin siyang nararamdaman. Kailangan niyang makipaglaban. Hindi niya hahayaang magapi siya,kailangang makita niya ang kanyang kapatid.

"Mga obake! Hanapin niyong mabuti ang babaing yon. Malamang hindi pa nakakalayo yon." utos ng isang boses babae. Hindi siya pwedeng magkamali si Sapira ang nag mamay ari ng boses na yon.

GRAAAAAAAAWWWWWWRRR .

"Byakko,humanda ka. Malapit lang sila sa kinaroroonan natin." sambit ni Medea at inilabas niya ang espadang ipinasa sa kanya ng mga magulang nila gawa ito sa dugo ng isang vampaia. Mula sa palad niya'y sinugatan niya ito gamit ang kuko. Lumabas ang dugo't hinatak niya roon ang espada. Pumorma naman si Byakko at handa na silang lumaban.

Biglang sumulpot ang mga grupo ng mga obake sa harapan nila.

GRAAAAAAAAAAWWWWWRRRR.

Nagsimula na ang kanilang pakikipaglaban. Dinamba ni Byakko lahat ng makikita niyang obake. Lumabas mula sa bunganga niya ang isang bola ng kapangyarihan at hinagis sa mga obake.

Samantalang si Medea nama'y winawasiwas ang kanyang espada at hinihiwa ng kanyang talim ang bawat obake na umaatake sa kanya.

*WOOOOOOOSSSHHH*

Limang obake ang pumalibot sa reyna. Sabay sabay silang umatake. Ginamit ng reyna ang isa niya pang kapangyarihan. Ang kanyang boses. Ang bawat sigaw o musikang kanyang sinasambit ay kahintulad ng libo libong talim. Agad siyang humuni ng isang awitin. Ang ingay na nililikha niya ay nagreresulta sa unti unting pagwasak ng mga obake.

"Nandirito nanggagaling ang boses. Nandirito si Medea!!" boses ito ni Lucas. Isa rin ito sa mga malalakas na mandirigma ni Eresu.

Agad namang tumungo sina Lucas at Sapira sa kinaroroonan nila Medea. Mas maraming obake silang kasama. Ang kapangyarihan ni Sapira ay LASON. Ang lahat sa katawan nito'y nagtataglay ng lason. Si Lucas naman ay may kapangyarihang gumawa ng mga sandata sa kanyang kanang kamay. Lahat sila'y may basbas ng itim na mahika ni Eresu.

"MEDEAAA!" sigaw ni Sapira. Napatingin si Medea sa pinanggalingan ng sigaw na yun kaya't hindi niya napansin ang obakeng umatake sa kanya sa likod. Nakagat ng obake ang kaliwa niyang balikat.

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt