Chapter 9. Awakening

500 29 6
                                    

*** 

INFERIA 

------

"Anong nangyari? Bakit biglang nawala ang kapangyarihan ni Medea?" tanong ni Prinsipe Sho.

"Kamahalan." Lumapit sa kanya si Maia,ang isa sa mga pinaka malakas niyang mandirigma. Bakas sa maamo nitong mukha ang labis na kalungkutan.

"Ang espirito ng Reyna ay wala na po."

"Anong ibig mong sabihin?"

"P-patay na po ang reyna ng Medius."

"Pa-paanong nangyari yun? Isang imortal si Medea. Baka nagkakamali ka lang Maia." hindi makapaniwala ang prinsipe sa narinig. Hindi kayang tanggapin ng puso niya ang sinapit ng babaeng sinisinta.

"Hindi ko na po kayo masasagot Kamahalan sapagkat kahit ako'y hindi ko rin mapagtanto kung anong nangyari sa reyna. Ikinalulungkot ko po ang kanyang pagpanaw." malungkot na sambit ni Maia.

Tuluyan nang nalaglag ang mga luhang kanina pa pinipigil ng Prinsipe.

"Humanda ka sa akin Eresu. Papatayin kita at uubusin ko ang lahat ng lipi mo!!" galit na sambit ni Sho.

*** 

MEDIUS 

Tarin Forest 

----

"Kamahalan." Mula sa isang madilim na anino ay lumabas si Marya. Siya ang punong babaylan ni Eresu. Si Marya ang nakababatang kapatid ni Baba, pareho silang mangkukulam at may angking kapangyarihan na makita ang hinaharap. Pumanig si Marya kay Eresu dahil sa kagustuhan nyang higitan at kalabanin ang kapatid. Inggit at ganid sa kapangyarihan ang pangunahing dahilan niya sa pagpanig sa kasamaan.

"Anong ginagawa mo dito Marya?" may diin at galit ang tono ng hari.

"May nais lamang akong sambitin sa iyo Panginoon." mahinahon nitong tugon.

"Gaano ba ka importante ang sasambitin mo para magawa mong suwayin ang utos ko sayong bantayan si Marcus!" Galit na sambit ng Hari.

"Ang reyna ng Medius ay pumanaw na."

"Paano nangyari yun? Kanina lamang ay naramdaman pa namin ang muling pagbalik ng lakas niya."

"Pagkaraan ng pagkamatay niya Panginoon ay naramdaman ko ang presensya ni Payra." sambit ni Marya.

"Hmm. Kung ganoo'y may kinalaman si Payra dito." natigilan siya ng may maalala. "Ngunit paano na ang pag angkin ko sa kapangyarihan ng vampaia kung wala na siya! CHIKUSHO!!!" sigaw ng hari na nagpayanig sa lupa.

"Mag iingat kayo Panginoon may kung anong presensya akong nararamdaman ngunit di ko malaman kung ano iyon. Paalam na po at gising na ang Prinsipe." huling tugon ni Marya bago naglaho.

"Kamahalan." sabay na bigkas nina Lucas at Sapira.

"Babalik muna ako sa aking kaharian dahil gising na si Marcus. Ikaw Lucas, bumalik ka sa Medius at halughugin mong mabuti kung totoong wala na nga ang babaeng yon. At ikaw naman Sapira maiwan ka dito para magmanman." pagkatapos niyang sambitin iyon ay tuluyan na siyang naglaho kasama ng makapal na Kemuri.

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Where stories live. Discover now