Chapter 2. Departure.

812 34 9
                                    

Chapter 2.

'Hayy. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos sa mga ka opisina ko. Nakakalungkot naman, tsaka si Al my labs so sweet hindi ko na makikita. Kaya lang naman ako napapayag nila mama kasi isa akong malaking adik sa Anime, sa manga, sa cosplay at kahit ano pang ka ekekan basta tungkol sa pagiging otaku ko. Maryosep kahit nga Ecchi na mga manga pinagbibili ko na. At siyempre san ko ba makikita yung halos lahat na ng tungkol sa mga anime na yan eh di sa Japan. Eh di jackpot! Kaso yung lovelife ko mukang mawawala pa. Hays. Anobeyan.'

Naputol na naman ang pag eemote niya ng biglang tumunog ang cellphone nito. Agad naman niyang kinuha ito at tinignan kung sino ang talipandas na sumira sa kanyang pagdradrama.

"Sino ba tong tumatawag, panira ng pag eemo ko"

Calling....

Al..

"Ohmy!" Eheem." nang makita nito ang pangalan ng ultimate crush niya na nagregister sa phone nito'y daig pa nito ang hindi mapairi.

"Hello Al" pa cute nitong sagot sa tawag nya.

(Hey Pin,busy ka ba now?)

"Ah hindi. Why?"

("Ahm,yayain sana kitang kumain sa labas,kasi alam mo na sabado ngayon wala naman tayong work tsaka bored ako ngayon kaya naisipan kong ayain ka. Yun ay kung hindi ka busy.")

'"Oh Shit naman. Anong oras na ba." Sabay napatingin nito sa wallclock. 11am.

"Oo naman siyempre. Sige saan ba?" Once in a lifetime lang to. Kaya dapat sunggaban na!! Go go go na! Hahaha Landi ng peg!

("Cool! sige meet you at Daia's cafe.")

"Sure sure!" excited na sagot nito. hindi naman obvious diba? Hehehe.

("Tsaka may sasabihin din pala ako sa iyong importante." I dont know why but, I really need to tell you this. Hindi kasi ako mapakali.")

'Ohmy! Is he going to confess na. No. shocks.' sigaw ng mahaderang isip niya.

Teka Ruri calm yourself. Ehem Ehem.

"Ah sige. Wait mo na lang ako. Magpapaalam lang ako kina Mama".

("Thanks. See you.") And after that he end the call. Halos kulang na lang ay magtumbling tumbling ang dalaga sa ginawang pagtawag sa kaniya ni Al.

"AAAAAHHHHHHHHHHHHH!" kinikilig na sigaw nito.

'Naku is this really happening? Naku. baka biglang mag back out ako pag nag confess ang papa labs ko.'

Pinuntahan na agad nito ang kanyang ina. KInatok niya muna ang pinto at dahan dahang binuksan ang seradura ng pinto. Nakita nito ang ina kaya naman ay hindi na siyang nag atubili pa at kinausap na niya ito.

"Ma,pwede bang lumabas muna ako maya pa namang 3pm ang flight ko diba? Niyaya kasi ako ng friend ko na kumain muna sa labas." paalam nito.

"Sure baby, basta before 1pm andito ka na. Okay?" sagot naman ng mama nito.

"Opo.opo. Sige ma. I have to go. Bye. Mwaaah!" pagkahalik nito sa ina ay dinaig pa nito si Kidlat sa bilis ng pagtakbo. Tinungo nito ang Daia's cafe which is 3 blocks away lang sa bahay nila.

Inaayos niya muna ang itsura at damit nito sa nadaanan niyang salamin.

'Ayan perfect. Cute ko na. Hahaha.'

Agad nitong makita si Al na nasa loob na. Dini-al niyo ang cellphone number nya.

'Ayy erase erase wag na nga.Sorpresahin ko na lang. Hikhik.'

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن