Chapter 5. Chikyu

602 30 1
                                    

AN: This Chapter is a 3rd Person POV. And updating this thru mobile. Big sorry kung may mistakes,wrong spelling, wrong grammar etc. Have fun! :)

 =========================== 

●CHIKYU●

Binabagtas ng tatlong magkakaibigan ang daan papunta sa tindahan ng ramen ng biglang...

"Bakit parang ang kapal naman ng hamog dito?" wika ni Lily.

"Lily sa tingin ko naliligaw tayo kasi hindi ba't yung dinadaanan natin kanina wala namang mayayabong na puno."tugon ni Mimi na nababakasan na ng takot at kaba.

"Ano ba kayo. Hwag niyong takutin ang mga sarili niyo. Natural lang na may hamog dahil masyado ng madilim. Yung puno na nakikita mo Michan talagang meron nun kasi yung ramenan malapit dun sa kakahuyan. Hindi ko alam kung bakit doon yun nakapwesto. Tara na" mahabang tugon ni Ruri.

Ramdam ng dalaga na may kakaiba sa lugar na dinadaanan nila. Nagsinungaling siya ng sambitin niya ang mga salitang yun. Gusto lamang niyang hwag matakot ang mga kaibigan.

"Buti ka pa Ru,hindi ka matatakutin."ani ni Lily.

"Kasi wala naman dapat ikatakot,besides pag may masamang nilalang na lalapit saten papakitaan ko siya ng Judo,karate at taekwondo.Hehehe." pagbibiro pa nito.

"Teka." si Mimi

Napahinto sila sa paglalakad ng maramdaman nilang may mga matang nagmamasid sa kanila sa napaka kapal na hamog.

"Natatakot na ako"sambit ni Mimi na napapahawak na rin kay Lily na nanginginig na rin sa takot.

 

GRAAAAAAAAWWR.

GRAAAAAAAAAAAWWWR.

Nakakita si Ruri ng isang kinakalawang na bakal. Agad niya itong dinampot.

"Dito kayo sa likuran ko." ani niya sabay hawak ng mahigpit sa bakal. Gagamitin niya etong sandata sa kung anumang nilalang ang nagtatago sa makapal na hamog.

"SINO KA?! LUMABAS KA DIYAN. HUWAG KAYONG DUWAG!!"sigaw ni Ruri na matamang nakahawak ng mahigpit sa bakal.

Ramdam nilang papalapit ang kung anumang nilalang na yun sa kanila. Hilakbot at takot ang rumihistro sa mga mukha nila ng mapagtanto kung ano ang mga yon.

GRAAAAAAAAAAWWRRR.

"H-halimaaaaaawww!!"sabay na sigaw ng kambal.

=========================== 

●ERINA MEDIUS●

Kusang lumabas si Byakko sa katawan ng Reyna. Nanghihina na kasi ito.

"Byakko, kailangan natin mailayo ang reyna dito sa palasyo. Mas ligtas kung sa Kagubatan ng Tarin tayo pansamantalang magkukubli. Hindi na kakayanin ng reyna ang sumabak sa digmaan."ani ni Haki Tori kay Byakko ang spiritual beast ni Medea.

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Where stories live. Discover now