Special Chapter: Ang ERINA.

1K 39 2
                                    

Special Chapter:

 Ang ERINA ay isang mundong binabalot ng hiwaga.

 Ito ay binubuo ng 4 na kaharian.

Ang FLORIS na nasa hilagang parte ng Erina. Ang mga naninirahan dito ay mga ibat ibang klase ng mga Yosei(fairy),elves,dwarfs, and spirits.

 Pinamumunuan ito ni Reyna Floriccina, tulad ni Medea pinaslang din ang mga magulang nito.

 Si Eresu ang pumaslang sa dating hari at reyna ng Floris. Nabuhay ang tagapagmana nitong si Floriccina sa tulong nila Levin ang kapatid nitong prinsipe at sina Sinon at Mena ang mga matatapat na mandirigma niya,at sa tulong na rin ng pwersa ng Inferia.

 Unti unti na rin bumabalik ang sigla sa kaharian.

 Ang INFERIA na nasa gitnang bahagi naman. Halos eto ang sentro ng buong kalakalan at produkto ng buong Erina. Ang kasalukuyang namumuno dito ay si Ikki ang ama nila Sho at Kaito. Si Sho ang papalit sa pwesto nito oras na magpakasal ito.

Ipinagkasundo na siya sa reyna ng FLORIS na si Floriccina ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito namamanhikan sa kadahilanang iisang babae lang ang minamahal niya.

 Si Medea.

 Ang INFERIA ay isa sa mga kaharian na nagtataglay ng malalakas na mandirigma sapagkat nagtataglay ang mga ito ng GENSO NO SEIREI o ang Elemental Spirits.

Taglay ni Sho ang HI NO SEISHIN. 

(fire spirit)

Si Kai ang MIZU NO SEISHIN. 

(water spirit)

Ang matalik nitong kaibigan na si Dylan. Ang TOCHI NO SEISHIN.

(land spirit)

At ang nag iisang babae na Guardian ng Inferia si Maia. 

Hawak niya ang YUKI NO SEISHIN. Dati siyang naninirahan sa FLORIS isa talaga siyang seirei na nag anyong normal sa kadahilanang umiibig siya sa isang normal na nilalang.

Ang ikatlong kaharian ay ang MEDIUS. Pinagigitnaan ito ng INFERIA at ERES. Si Medea ang reyna nito. Isa siyang vampaia. Ang mga nasasakupan niya ay normal na mga bampira lamang.

Malaki ang respeto ng mga naninirahan doon dahil sa pantay na pagtingin niya rito. Isa ka mang Elder,Pureblood o Hybrid pantay sa paningin niya.

Nasa sa kanya ang isa sa mga pinaka makapangyarihang spiritual beast si Byakko. Kung pagmamasdan mo animo'y isa lamang tong puting tigre ngunit ang lakas nito'y katumbas ng isang daang libo ng mandirigma niya.

Si Haki Tori ang tanging kaagapay niya sa mga panahong nalugmok sa pighati ang buong kaharian ng Medius sa pagkamatay ng mga magulang ni Medea.

Isang Chikyu si Haki. Ng minsa'y maligaw ang batang si Medea sa mundo ng tao iniligtas eto ni Haki sa rumaragasang sasakyan na nagresulta sa pagkamatay ng binata dahil sa takot binigyan niya si Haki ng dugo niya. Na nagresulta sa pagkabuhay niyang muli.

Noong una'y hindi matanggap ni Haki ang sinapit niya at kalauna'y sumumpa siya ng tapat na paglilingkod sa batang Medea.

Mayroong nakababatang kapatid si Medea ngunit hanggang ngayon hindi alam ng lahat kung nasa saan iyon. Ayon sa mga kuro kuro kasisilang pa lamang noon ni Ririna sa bunso niyang supling ng patayin siya ni Malfred.

Nasa pamilya niya ang kapangyarihan para mabuksan ang lagusan sa mundo ng Chikyu at Erina kaya mahigpit na binabantayan niya eto.

Alam niyang kaya din buksan ni Eresu ang lagusan sa tulong ng KUROMAJUTSU niya at sa naiwang kapangyarihan Malfred.

Ang Huli ay ang kaharian ng ERES na nasa ilalim na bahagi ng Erina. Si Malfred ang unang hari nito. Sa kagustuhan niya mabuhay ng mahaba o maging imortal pinaslang niya ang mga magulang ni Medea. Sina Ririna at Mercurio.

Nakuha niya ang ilan sa mga kapangyarihan ng pumanaw na hari at reyna. Tulad ng pabilis na paggaling ng sugat niya at ang kapangyarihang mabuksan ang lagusan ng Chikyu.

Naninirahan dito ang ibat ibang klase ng mga Oni,obake,yokai,vengeful spirits,goblins at mga halimaw. Kadiliman ang bumabalot sa buong lupain nito. Lahat ng kasamaan ay naririto para etong impyerno ng Erina.

Si Eresu ang kasalukuyang hari nito. Nabubuhay ang mga halimaw na yun sa pagkain ng mga nilalang ng Erina. Mas lumalakas ang kapangyarihan nila pag isang Chikyu (tagalupa/tao) ang nakain nila. Na alam ng lahat ng naninirahan dito na ito ay mahigpit na pinagbabawal.

Halos lahat ng kaharian dito'y kalaban ng Eres. Ngunit malakas ang pwersa nila. Gumagamit si Eresu ng KUROMAJUTSU o yung tinatawag na itim na mahika.

Isinangla niya ang kanyang kaluluwa kay Payra ang diyos ng kahilingan para sa kapangyarihang yun. Bukod doon may iba pa itong kapangyarihan tulad ng paggamit niya ng Kemuri o USOK na nagiging isang halimaw o sandata anuman ang magustuhan niya.

Tuso si Eresu kaya't sa pangalawang pagkakataon.  Bumagsak ang Medius sa kamay ng Eres.

つづく

ERINA: Mundong Mahiwaga. [Revising!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon