Prologue

14.9K 185 4
                                    


Hinawakan nito ang maumbok kong tiyan,gumalaw ang baby na nasa loob ng aking sinapupunan.
Masaya nitong dinadama ang paggalaw kahit may konting kirot akong nararamdam ay hindi ko iyon ininda. Naguumapaw ang kasiyahan sa aking puso,kasama ang lalaking mahal ko at mahal ako,ang anak namin na apat na taong gulang at ang baby na nasa sinapupunan ko ngayon.

"Baby,ang likot likot mo,sumasakit na siguro ang tummy ni momy mo"

Hinaplos ko ang mukha ng lalaking nagbibigay ng saya at kakontentohan sa buhay ko ngayon.

"Ano ka ba? Okay lang ako" panigurado ko sa kanya.

"Teka nga pala,where is Rafie? Baka kung anong disgrasya na naman ang nagyayari sa anak mong iyon Leopoldo,naku! Mapapaanak ako ng di oras dahil sa batang iyon"

Ngumiti ito ng nakakaloko sa akin bago naupo sa tabi ko at ikulong ako sa mga bisig niya.

"Huwag ka ng mag alala kay Rafie,malaki na ang anak natin,nageexplore lang iyon ng mga bagay bagay sa paligid niya,ganon ka din naman nong bata ka pa eh,sayo kaya nagmana si Rafie,look at you now,maganda,matalino at higit sa lahat matigas ang ulo"

Siniko ko ito sa tagiliran.

"Aww! Sera,masakit" reklamo nito.

"Matigas pala ang ulo ha?" Baling ko sa kanya na nakangiti na parang ewan .

"Oo matigas ang ulo mo,kaya nga tayo may Rafie na matigas din ang ulo,kasi yung momy niya takot maagawan ng gwapong boyfriend"

Aba! Talaga naman! Kelangan ipaalala pa?

Humigpit ang yakap niya sa akin,kaya hindi ako makagalaw ng maayos,hindi ko tuloy siya masasapak. Nakakaasar kasi siya,ipinapaalala pa iyong mga kalokohan ko nong teenager palang ako.

"Sera,tama na! Baka duguin ka na naman sa kakulitan mo" nanahimik naman ako sa sinabi niya,natatakot ako na baka nga duguin na naman ako tulad ng nangyari nong naistress ako. Five months palang ang tiyan ko noon dahil sa isang pangyayari sa nakaaraan na pilit na pumapasok sa hinaharap namin ni Leopoldo. Mabuti nalang at naagapan akong madala sa ospital kung hindi ay wala na ngayon ang baby Serrie namin.

'"Ikaw kasi eh,alam mo namang ayaw ko ng alalahanin ang mga kahihiyan ko noong bata pa ako pero pinpaalala mo pa kaiinis ka,alam mo yon?"

Mas humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin at hinagkan pa ako nito sa aking batok.

"Those days are the most memorable moments I had with you" malambing nitong sabi "ang cute cute mo noon,ang kulit kulit pa,nakakatuwa ka,ang bibo mong bata noon pa man,kaya siguro noon pa nakuha mo na ang atensyon ko,masyado ka pa nga lang bata at isa pa may girlfriend na ako noon,but years have passed you've grown up beautifully,pero ganon ka pa rin makulit,matigas ang ulo kahit dady mo sumusuko sayo,ako lang yata ang nakatagal sa ugali mo,ni hindi ko naisip na tayo ang magkakatuluyan kung hindi mo pa ako pinikot" natawa ito sa huling sinabi nito.

Kung pwede lang lumubog sa kinauupuan ko ngayon kanina pa ako lumubog sa kakaisip sa nakaaraan namin,nakakahiya na nakakatuwa.

"Ewan ko sayo!" Humilig lang ako sa dibdib niya,ayaw ko ng makipag usap sa kanya,maaasar lang ako...

"Momy! Dady!"

Napukaw ang atensyon namin dahil sa munting tinig na papalapit sa amin. Hindi na ako nagulat ng makita ko itong gulo gulo ang buhok na kanina ay naka pigtail, ang bestida nitong puti ay madumi na rin at ang sapatos nitong makintab na puti kanina,ngayon ay kulay rainbow na sa dumi.

Dahan dahan akong tumayo sa tulong ng lalaking mahal ko,na nakaalalay sa akin.

"What have you done this time Rafie?" Mahinahong tanong ko sa anak kong makulit. Siguradong pinagkukmpara na naman kaming mag ina ng lalaking katabi ko ngayon sa isipan nito.

"Eh kasi momy,I want to help lang naman po,pumayag naman po si lolo,and then I got too excited po,and then I saw mingming nilalaro yung yarn,nihabol ko po and then she went under the bed na nigagawa ng mga workers and then she run to the back where the cottons nagjump siya don momy and I jump too,then kuya Gary saw me,nikuha niya ako sa file ng cotton kasi baka daw hindi ako makahinga,I will be patay daw po,but mimgming jump off and run again,nihabol ko po but she was naughty momy kasi I saw her claws,ni scratch niya yung mga leather pillows na nasa chair and then I don't know what happened next kasi lolo saw me and he brought me na po...."

"And you little Rafie have to take a bath"

Bungad ni mama,sa likod nito ay si dady. Nanlaki naman ang mata ng anak ko ng marinig ang sinabi ng lola niya kaya tumakbo ito sa likod namin ng dady niya.

"Oh no! Momy di ba nishower mo na ako kanina? Why lola have to take me for another bath? Nisasayang niya ang water"

Nagakatawanan pa kami dahil sa inosenteng makulit na bata.

"Hay nako Seraphina,iyang anak mo nagmana talaga sayo,napakakulit at ang tigas ng ulo,parang noong bata ka pa,ganyan din,walang pinagkaiba" sabi ni mama na may ngiti sa labi na nakatingin sa nakalitaw na ulo ng anak namin.

"Momy,bakit nisasabi lagi ni lola na same tayo? Pero hindi naman eh kasi si dady ang kamukha ko"

Napailing nalang ako sa sinabi ng anak ko,at ang ama naman nito ay rinig ko ang pinipigil na pagtawa.

Lumapit si dady sa anak namin at binuhat ito "maiintindihan mo apo kapag big girl ka na,pero sa ngayon sumama ka na muna sa amin ng lola mo"

"Pero lolo,big girl na ako" hirit pa nito sa lolo niya habang papalayo sila sa amin.

"Di ba sabi ko sayo,sayo nagmana ang anak natin,kahit mga magulang mo sang ayon sa akin"

Napasimangot nalang ako.

"Oo na kaugali ko na,kahit ikaw ang kamukha niya,para kayong pinagbiyak na inidoro,hindi na ako makikipagtalo pa"

Iniupo niya akong muli pero sa may lap na niya ako napaupo at niyakap.

"Asar ka na naman baby ko! Kaya mahal na mahal kita,ang sarap mong suyuin"

"Ewan ko sayo Leopoldo! I love you so much"

"I love you more baby ko"

Past is the presentWhere stories live. Discover now