Chapter thirty two

1.6K 61 3
                                    

"Anak,bakit ka na naman nakasimangot?" mas lalo pang bumusangot ang aking mukha ng marinig ang boses ni mama.

Naramdaman ko ang presensiya nito sa aking tabi ng umupo ito. May inilapag pa itong tray na may pagkain,kaya lang wala na akong gana. 

Nakakainis kasi si Leo e,ayaw akong pasamahin sa pagbisita niya sa warehouse namin sa Antipolo. Nakatunganga ako dito kasi bawal daw ako sa opisina kung wala din daw siya doon. Inihatid ako sa bahay ni mama ng magaling kong asawa,pagkahatid namin sa mga anak namin sa school. 

"Naku Seraphina,huwag ka ngang umakto na parang bata,para naman sa ikabubuti mo ang inaalala ng asawa mo at isa pa,buntis ka at bawal sa iyo ang mapagod at ma stress" 

Napalabi ako ng parang kunsumido si mama sa akin batay na rin sa boses nito. 

"Three months naman na itong tiyan ko mama.."

"Delikado" putol pa nito.

"E ma,naboboring na ako" angal ko kay mama at niyakap ko ito mula sa tagiliran nito.

"Hay ang anak ko talaga,ang tigas pa rin ng ulo" ngumuso ako at tumawa naman si mama ng bahagya "pupunta dito si Careen mamaya,hindi ka na maboboring" 

"Iihhh naman,gusto ko asawa ko ang nakikita ko,kainis kasi si Leo e,ang killjoy kahit kelan"

"Gusto mong nakikita ang asawa mo,pero inaaway mo naman kapag nandyan?" napangiti siya sa tinuran ng mama niya. 

"Pregnancy hormones,ma" katwiran pa niya sa mama niya.

"Anak,kaartehan na iyan,inaabuso mo ang asawa mo" Si mama isa pang killjoy.

Nagbabawi lang naman ako sa mga oras na nawalay ako sa asawa ko. Kahit naman sa mga anak ko nagbabawi din ako,kahit kay mama. Pero sa ngayon talaga,mas gusto ko na kasama ang aking asawa sa lahat ng pagkakataon. 

Si Leo nga talaga ang aking napapaglihihan. My poor husband is being really patient about my pregnancy. Well,he is always being patient,I just don't know how he managed to do so.

"Si mama naman parang hindi naglihi sa akin noon"

"Wala akong arte noon ng ipagbuntis kita" ngumuso siyang muli.

"Yaan nyo na nga muna ako ma,ngayon lang naman ulit e" niyakap ko pa si mama ng mas mahigpit.

I missed my father,kung buhay pa sana siya ngayon ay alam niyang matutuwa itong makita na buo na muli ang pamilya namin. At ngayon nga ay buntis na naman siya sa pangatlong anak nila ni Leo,kung magiging lalaki ito ay alam kong mas matutuwa si daddy.

Not that we don't want another girl,anak pa rin namin ito at mahal na namin kahit hindi pa ito lumalabas.

Lumipas ang buong araw,dumating si Careen,nalibang ako sa pagdalaw nito. They talked about pregnancy and babies,buntis na kasi ito,five weeks na. Masaya siya para sa kaibigan,napapansin naman niya na mabuting lalaki ang napangasawa nito. Panatag siya at ang mama niya para kay Careen at sa buhay nito ngayon.

"How was my,wife?" matitipunong mga bisig ang pumulupot sa kanyang katawan. Ang mga labi nito ay humalik sa kanyang batok patungo sa kanyang leeg hanggang sa nakarating iyon sa pisngi niya. 

Nasa balkonahe siya ng kanilang kwarto habang hinhintay itong  pumasok. Namataan na niya kanina pa ang sasakyan nito,mag isa nalang ito. 

Nagpahatid na siya kanina sa driver ng kompanya nila ng tumawag si Leo upang ipaalam sa kanya na gagabihin ito ng uwi. Kahit ayaw nitong silang mag iina lamang ang naiiwan sa bahay ay wala na itong nagawa ng makauwi na kami. Nakakahiya na din kasi kay mama,dapat ay nagpapahinga na siya at hindi na dapat naiistorbo pa. Nagsalo nalang sila ng hapunan ng kanyang mga anak sa bahay ng mama niya. 

Past is the presentजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें