Chapter five

2.7K 87 2
                                    

First day of work! Feeling ko tuloy parang first day of school ito dahil natetense ako at kinakabahan,I shouldn't have but here I am.

Ipinahatid ako ni mama sa driver niya,she apologise that she can't come with me today coz she have an appointment to the doctor. It was fine with me,hindi na ako bata para samahan pa niya sa unang araw ko sa trabaho.

Tutal naman they are expecting me today,she called Leopold last weekend. I made a couple of demands to mama about working in the company,gladly she agreed without arguments. First, I don't want to be called by our family name,it's too formal,
Miss.Raphie or Raphie will do. Second,all the decisions that concerns the company's sake will have to be decided fairly by Leopold and me.

Parang natuwa pa nga si mama sa mga demands ko.

Andito na ako sa tapat ng four-story building,sa lobby pa lang ay makikita na ang mga nakadisplay na iba't ibang uri ng mga furniture.
There's also photos and canvases that's hanging on the wall. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa isang art museum dahil sa mga nakapaligid na display sa lobby pa lang.

I made my way to the reception desk,I am not familiar in this place,it's actually my first time. The first main office was just in the area,but they move here five years ago after this building was built,same time I went to London.

Bumati sa akin ang isang kaaya ayang lalaki na sa tingin ko ay nasa early twenties nito.

"Good morning ma'am! How may I help you?"

Ngumiti ako sa kanya bago nagsalita.

"Good morning! I'm looking for Mr.Montiel's office,he's expecting me today"

"Very well ma'am! May I know your name please?"

"It's Raphie!"

Bahagyang nagulat ito sa sinabi ko,ilang sandali pa itong ganito. Nakabawi lang ito ng tumikhim ako.

"Miss.Rahpie Belmont?"

Tumango ako.

"It's nice to meet you Miss.Rahpie"

He rang someone to let them know that I am on my way up. He gave me the direction and I thank him for helping me.

Sa elevator ay ako lang mag isa ang nakasay. I look at my reflection,I suddenly felt the urge to make myself nice and presentable. It was unusual of me to be vein and that is something new to me but felt familiar.

Nang huminto ang elevator ay bumungad sa akin ang stairs na may arrow na nakatutok pataas sa baba noon ay nakasulat ang The boss's office. Lumakad ako paakyat doon,sa paligid ay may mga display ding mga furnitures at pantings and canvases are also hanging on the wall katulad ng nasa lobby.

Mga sampung steps siguro ang inakyat ko,naalala ko tuloy ang sinabi ni mama. That this building was designed to attract the clients or the suspected clients who visits. It was indeed attractive,from the lobby up to here,now u wonder what is the boss's office would look like. I notice that all the things around are mixed of old and modern style from simple,unique,classic and fabulous designs.

Parang nabahag ang buntot ko dahil sa mga nakikita ko sa aking nadadaanan. I never expected that it would be this big,ang building na ito palang ay nalulula na ako sa kaalamang pag aari ito ng aking mga magulang. And I can't imagine what else to see that will surprise me.

"Good morning Miss.Raphie! Im Yta,Mr.Montiel is waiting inside"

Bati sa akin ng babaeng nakatayo sa aking harapan. I did not notice her,she looks familiar. I think that she's on her mid fifties already. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya kaya nginitian ko din ito pabalik.

"Good morning Miss.Yta" namula ang mukha nito na aking ikinangiti

"Ma'am Yta nalang,isa pa may edad na ako" may himig ng birong sabi nito.

"E di Tita Yta nalang po ang itatawag ko sayo kung ayaw nyo po ng Miss" pag sakay ko sa biro nito. Napansin kong natigilan ito at bilang nag iwas ng tingin sa akin. "Tita Yta,okay lang po ba kayo?"

Huminga ito ng malalim at muling tumingin sa akin,nakangiti na ulit ito na parang walang nangyari kanina lang.

"Sige na nga! Tita Yta nalang din ang itawag nyo sa akin Miss.Raphie"
Sumimangot naman ako sa pagtawag nito sa akin ng Miss.

"Raphie nalang po Tita Yta"

Nakangiti na sumang ayon ito sa gusto ko.

"Ayan! Magkakasundo po tayo nyan"

Natatawa na iginaya niya ako sa may pintuan na malaki.

"Ramdam ko kasi na mabait kang bata,tulad ng iyong mga magulang,kaya proud sila para sayo,sige pumasok ka na,hinihintay ka na niya kanina pa,dumiretso ka lang sa makikita mo ang main office"

May sasabihin pa sana ako sa kanya,kaso nabuksan na niya ang pinto na nasa harapan namin. Nagpasalamat nalang ako sa kanya at tuluyan nang pumasok sa loob.

Isinara ko ang pinto,parang wala namang tao dito,ang tahimik ng paligid. I look around,ang gaganda ng mga furnitures,ang white sofa set na nakapwesto sa may gilid,a couple of red lazy boy chair that is in front of a big flat tv screen,a long glass table with twelfth chairs around it and so many more.

Lumakad pa ako ng konti,hinahanap ko ang main office na tinutukoy ni tita Yta.

There!

I saw it,on the very corner?

Lumakad pa ako palapit doon sa may pinto,kumatok ako.

"Come in!"

Hindi ko maipaliwanag ang biglang pag atake ng kaba sa aking dibdib. May ilang beses muna akong huminga ng malalim. Unti unti kong binuksan ang pinto dahil sa panginginig ng aking mga kamay.

Parang nagrarambulan ang aking dibdib habang binubuksan ko ang pinto na hawak ko ng sobrang higpit,habang tumatagal ay bumibilis ang tibok ng aking dibdib. It's wierd,this feeling is so wierd!

"Come on in Raphie,have a sit"

Napamulagat nalang ako sa sinabi ng lalaking tumayo mula sa kinauupuan nitong swivel chair. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa bukas na pintuan at nakatingin lang sa bawat galaw niya. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya,noon kasi ay likod lang niya ang napagmasdan ko ng ituro siya sa akin ni mama. I never met him again after the funeral coz of an emergency sa family nito plus the company he is managing.

I tried to composed my lost sanity a while ago and it's really confuse me,I noticed that my chest bit normally now? Iginaya niya akong maupo sa upuan na nasa harap ng table niya at ito naman ay muling bumalik sa kanyang kinauuupuan kanina lang.

"Do you want anything? water? juice? coffee? snack?" Pormal nitong alok sa akin "No,thank you! I'm good"

"Sorry I wasn't there to welcome you properly,I just finished a business call from our prospect client that base in Europe"

Napaka pormal niya at naiilang ako sa kanyang mga titig,kaya naman hindi ko ito matingnan ng matagalan sa mga mata nito,sa sobrang bigat ng intensidad na dala nito sa akin. Pakiramdam ko ay kaya niyang basahin ang iniisip ko pati na rin ang mga kilos ko ay kaya niyang hulaan kahit nakapikit pa ang mga mata nito.

"O..okay lang! I understand"


I remember my first part time job,I also trembled when they asked me something. Now I'm trembling again,I was confident this morning but after seeing what we have now, after years,I felt small.

Ganito na lang ba palagi pag unang araw ng trabaho,nakakakaba? Pero today mas doble ang kaba ko,para na ngang tatalon ang puso ko palabas sa dibdib ko. Ngayon naman okay na ang paghinga ko,kumalma na din ang tibok ng puso ko.

Siguro dahil ito sa pressure na aasahan sa akin ng mga tao na nagtatrabaho para sa amin at pati na rin ng mga clients namin. Plus the fact that this man in front of me looks intimidating.

Past is the presentWhere stories live. Discover now