Chapter thirty one

1.9K 85 4
                                    

"Babe! Ano na naman ba iyang kinakain mo?" Ngumuso siya.

Nasa opisina sila,sa school pa ang mga anak nila. Mamaya ay mauuna dumating si Serena ang anak kong makulit na madaldal. Ang cute cute talaga ng baby kong iyon,kaya lang this days ayaw akong lapitan ng baby ko.

"We just had lunch" mas lalo ng humaba ang nguso niya habang ngumunguya.

E kasalanan ko ba kung gusto ko na naman kumain? Kasalanan ko ba kung mabilis akong magutom?

"Huwag kang ngumuso,ayokong maging mukhang suso ang anak ko" tinikom niya ang labi niya.

Para siyang maiiyak ng kunin nito ang hawak niyang maliit na tab ng ice cream. Itinago na nga niya sa ilalim ng table niya,nakita pa ng asawa. Nakahabol ang mga mata niya sa ice cream at nalungkot talaga siya ng husto. Lalo na ng dumitetso iyon sa basurahan.

Hindi pa ito nakuntento,dumiretso pa ito sa mini fridge namin sa office. Pagkabukas ay sinipat ako nito ng matalim na tingin,naumid ako.

WALA akong nagawa ng ilabas pa nito ang dalawang tab ng ice cream. Ang mga paborito kong flavour iyon,pinaghirapan kong itago upang makapasok dito ng hindi nito nalalaman. Pero heto at nakuha pa rin nito,dumiretso din ang mga iyon sa basurahan.

Sinigurado nito na wala na talagang nakatago sa fridge. Pati mga cabinet at drawer sa buong sulok ng opisina ay hinalungkat nito. Pati sa banyo hinalungkat din nito,parang ewan lang,anong gagawin ng pagkain sa banyo?

"Seraphina Antonia,bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?" Tumungo ako.

Ayaw niyang makita siya ng asawa na iiyak dahil pinagsasabihan na naman siya nito.

"Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita" umiling ako. 

Naramdaman ko ang papalapit nitong presensya,gumalaw ang upuan niya,umikot iyon.

"Babe,look at me" hindi siya nagpatinag kahit sa malamyos na nitong tinig. 

Nararamdaman niyang kapag nagtama ang mga mata nila ay bigla na lamang siyang hahagulgol ng iyak.

Lumuhod ito sa harapan niya,iniangat pa talaga ang kanyang mukha upang magtama ang mga tingin nila. Napailing ito,ikinulong nito ang mukha niya sa palad nito.

"Sorry na,nag crave lang naman ako sa ice cream" naiiyak niyang paliwanag sa asawa,yumakap siya kaagad dito.

"I know baby,but you can ask me first,alam mo naman na bawal sayo iyon di ba?" Tumango tango siya na parang bata sa balikat ng asawa.

"E kasi nga alam kong bawal pero gusto ko pa rin,I don't like being deprive"

Binuhat siya ng asawa upang maupo sila sa sofabed na ipinalagay ng asawa sa opisina nila. Gawa iyon sa kanilang kompanya,cream iyon na may madaming cushions.

"Babe,I'm not depriving you anything,I'm just taking high precautions on what you take,ikaw lang naman ang inaalala ko,baka mahirapan kang manganak,two months palang pero ang laki na ng tiyan mo,baka matulad na naman yan ng ipanganak mo si Serena,God only knows how much I worried for you that time,if I could just switch our place I would,mahirap para sa akin na makita kang nahihirapan.."

"Sorry na nga" pinahid ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking palad.

"Mag sosorry  ka pero mamaya,gagawin mo na naman?" Sumimangot siya sa asawa.

"Kasi naman e bakit ang dami ng bawal,nakakainis"

"Babe,buntis ka kaya ganon,pinapangalagaan ko lamang naman kayong dalawa" isa pa itong asawa niya,nakakainis.

Past is the presentWhere stories live. Discover now