Chapter twenty nine

1.4K 68 3
                                    

Dalawang araw bago ang kasal ng kaibigan niyang si Careen ay lumipad sila pauwi ng pilipinas. Nagpaiwan si Mr.Collum sa mansion,pero nangako ito na bibisita. Nangako din si Leo na bibisitahin ang tiyuhin nito kapag may pagkakataon.

Nasa proseso na ng paglilipat ng pangalan ang mga ari arian ng mga Collum kay Leo. Tumanggi na si Leo na kunin iyon,isinuhestiyon pa nito na ipamahagi nalang sa mga nangangailangan. Pero hindi pumayag ang matandang Collum sa gusto ni Leo.

May iniwan palang mana ang tunay na ina ni Leo,bukod sa yaman na ipinamamana dito ng tiyuhin nito. At may kondisyon pa na kung hindi tatanggapin ni Leo ang yaman ay sa aming mga anak iyon mapupunta at walang pwedeng kumontra sa huling habilin na iyon.

Bata pa ang mga anak namin at alam kong ayaw ni Leo na may iniisip na kung ano ang kanilang anak. Ayaw din nito na basta nalang umasa ang kanilang mga anak sa kung ano ang meron sila ngayon.

Madisiplinang ama si Leo sa aming mga anak,kahit may pagkasalbahe at matigas ang ulo ng mga ito ay sumusunod naman sa kanilang ama. Isa mga katangian ni Leo na nagustuhan ng kanyang pamilya.

Natatanda pa niya,noong bagong kasal palang sila ni Leo. Sa bahay sila ng mga magulang niya nanirahan,iyon ang kondisyon ni daddy noon. Bata pa ako,nag aalala si mama sa kay Leo dahil sa akin.

Palagi nalang si Leo ang kinukumusta sa tuwing matatapos ang araw. At ako naman ang palaging pinagsasabihan.

Kaya ng malaman nila mama at daddy na wala naman talagang nangyari sa amin ni Leo ay hindi manlang nagulat ang mga ito. Nakipag inuman pa si daddy kay Leo na parang wala lang iyong nalaman nila,kahit si mama ganon din.

Hindi naman nila ako pinahiwalay kay Leo,pinagbantaan ko kasi si daddy. I told him na magpapakamatay ako kapag inilayo nila sa akin si Leo. I know dad did not take my words seriously,he knows me really well.

But not Leo.

Nalaman ni Leo iyon,kaya ayun nagalit siya sa akin,iyon iyong unang beses na may nangyari sa amin. Natakot nga ako dito pero kinalaunan naman ay naging maunawain ito sa kanya. Noon nila nabuo ang kanilang panganay na anak at wala siyang pinagsisihan sa mga kalokohan na nagawa niya noon sa asawa at sa pamilya niya.

Masaya siya sa buhay na meron sila ngayon,kahit hindi naging maganda ang mga nangyari ng mga nakaraang taon ay masasabi niyang maswerte pa rin siya.

"Thank you talaga at nakadalo kayo,friend,I was really expecting you will be here,kaya nga muntik ng walang kasal na mangyari ng umalis kayo at pinasunod nyo pa ang mga junakis nyo"

Gaga talaga tong babaeng to,nagdadrama pa sa harapan ko. Akala ko kanina umiiyak to kasi masaya na ikakasal na,iyon pala umiiyak dahil dumating kami.

Si mama ang naghatid dito sa altar kay Romano ang lalaking nagtiyaga sa kaibigan niya. Nalaman niyang kaibigan din pala ni Leo ito at si Leo ang naging tulay ng dalawa upang magkamabutihan.

Maid of honor ako,si Leo ang best man,habang ang dalawa naming mga anak ay flower girls.
"Muntik na talaga,sira ka talaga,buti napapagtiisan ka pa nyang asawa mo?" Ngumuso ito na parang bata,tinalo pa si Serrie sa ngusuhan challenge kung meron man.

"Mahal ako ng asawa ko! Siya ang mawawalan kapag nagloko siya!" Humapas ang kamao nitong may gloves sa lamesa na nasa harapan nila,napailing siya.

Ang childish pa rin nito.

Mabuti nalang at nasa loob sila ng kwarto nito sa isang kilalang hotel. Magpapalit na ito ng simpleng bestida,kaya sinamahan niya para komportable na ito.

Iniwan ko ang mga anak ko sa ama nito,binilinan ko si Rafie na huwag palalapitin kahit na sinong babae sa ama nila. Sumang ayon naman ang anak nila ng walang pag aalinlangan.

Past is the presentWhere stories live. Discover now