Chapter thirteen

2.2K 87 1
                                    

"Tita! Ginagawa ko lang ito para sa mga bata,mahirap bang intindihin yon? It's been five years,hinahanap na nila ang ina nila"

"Alam ko naman iyon,pero Leo..."

"That's why I took the risk to tell her,pero hindi ko ito nakitang mangyayari o hindi ko lang talaga pinansin ang pwedeng mangyari"

May mga boses akong naririnig na parang may pinagtatalunan,utay utay kong ibinuka ang aking mga mata. Si Leo kaagad ang unang nabungaran ng aking mga mata,nakaupo ito sa swivel chair nito at mukha itong tuliro. Natigil ito sa paulit ulit nitong paghagod sa buhok nito ng magtagpo ang aming mga paningin.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at sinabi mo iyon sa kanya agad? Natural na mabibigla talaga siya,paano kung naging katulad na naman siya noong magising mula sa pagka comatose eh di nasaktan na naman ang anak niyo,Leo naman!...."

Natigil sa sinasabi nito si tita Yta ng tumayo si Leo at lumakad patungo sa akin dala pa rin ang pag aalala sa mukha nito. Nag squat ito sa tapat ko ng makalapit ng tuluyan. Napapikit ako ng haplusin nito ang aking mukha kasunod ay ang marahan nitong paghalik sa aking noo. Nagmulat muli ako ng magsalita na ito.

"Are you okay now baby!? May masakit ba sayo?"

Pinakiramdaman ko ang aking sarili,wala namang masakit sa akin. So I just lightly shook my head to answer his question.

"Sorry it's my fault" sabi nito.

Inalala ko ang nangyari then I just suddenly caress his face at mariin itong pumikit.

"Where is she?"

Marahas ang naging pagmulat nito ng mga mata,halata ang gulat sa mga mata nitong nangungusap.

I honestly don't know what to feel sa mga nangyayari. Naguguluhan ako pero hindi mawala sa isip ko ang mukha ng batang yumakap sa akin kanina. May takot at saya sa kanyang mga mata kanina,hindi kaya ng konsensiya ko na makita ang malungkot niyang mga mata katulad ng lalaking nasa harap ko ngayon. Tulad ng batang babae kanina ay malungkot din ang mga mata nito.

"Gu..gus..to mo siyang makitang muli?" May halong pangingimi ang nanginginig nitong boses. Tumango ako sa kanya.

Ginawaran niya ako ng mabining halik sa noo bago ito tumayo papunta sa mesa nito,dinampot nito ang intercom na nakatingin pa rin sa akin.

"Tita,papasukin niyo po si Rafie,hinahanap siya ng mommy niya" tumirik ang mata ko dito dahil sa sinabi niya sa kausap.

Hindi naman sa itinatanggi ko ang pag claim nila sa akin bilang ina ng mga anak niya,,coz I felt connected to her. Nababaguhan lang ako sa mga nangyayari ngayon. Napakabilis ng lahat,halos hindi ko pa madigest na may mga anak ako at may asawa ako sa katauhan ng lalaking katabi ko.

Muli itong lumapit sa akin ng matapos nitong ibaba ang intercom. Inalalayan niya akong maupo ng makita niyang bumabangon na ako sa pagkakahiga ko sa sofa. Tinitigan ko siya sa mga mata na hindi ko magawa noong unang mga araw na nagtatrabaho lang kami.

"Ho...how it happened? I mean" napatayo ako at umikot sa harap niya "look at me! I don't look like I gave birth to a girls,a two girls come out of this tummy?" Turo ko sa impis kong tiyan "nakikita ko ang katawan ko sa salamin araw araw,bakit wala akong makitang palatandaan na nagkaanak ako? A stretch mark or any scar on my tummy?"

Nangunot ang noo nito noong una pero napalitan iyon ng sakit na bumalatay sa gwapo nitong mukha at humugot ng malalim na buntong hininga bago ito nangiti ng bahagya.

"So much things have had happened years ago,sasabihin ko sayo kapag handang handa ka na,pero sa ngayon sana matanggap mo kahit paano na may mga anak na tayo,matagal na silang naghihintay sayo at mahal na mahal ka nila..."

Past is the presentUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum