Chapter ten

2.3K 82 1
                                    

"Saan gaganapin ang party?"

I asked him while we are inside the car,the two of us sitting in the back seat. It's already eight in the evening. He texted me this afternoon na pupunta daw kaming party. Hindi pa ako nakakareplay ay bumukas na ang pintuan ng opisina namin. Si tita Yta may kasamang dalawang lalaki na may hawak na mga boxes.

Inside the boxes are the black and silver off shoulders evening dress I am wearing now,a shiny black stiletto and some accessories. I look so simple yet elegant and I love it,I have to give him a credit for making an effort to buy me a dress that I will love to think that I am not ready for this unexpected party. It fit perfectly,parang alam ng bumili ang sukat ng katawan ko.

Kanina,hapon na siya dumating sa opisina,hindi ko siya matanong dahil sa mapang masid na mga mata ni Careen. Hindi na rin ako makakilos ng maayos dahil na rin sa mga sinabi ng napakabait kong kaibigan. She gave me something to think of out of the blue.

"Just in Makati Shangri La,actually it's a fundraising party,business people and socialites around metro are all invited"

Mahinahon nitong paliwanag sa akin,hindi ko pinansin ang pagiging gentleman niya simula ng sunduin niya ako sa bahay dahil ayokong pagsimulan pa iyon ng pagsasagutan namin. He is a gentleman indeed,naiintimidate lang ako sa kanya lalo na nitong mga nakaraang araw simula ng lumabas ako ng ospital kaya dinadaan ko nalang sa pagtataray ang mga nakakaintimidate na salita,kilos at galaw nito.

"Whoa! You should have said,para naman nadala ko ang chequebook ko,they accept a small amount naman siguro?"

"It's okay Raphie,the company will donate two millions"

Namilog ang mga mata ko sa laki ng halaga na idodonate ng kompanya namin. How big is our company now? Yung totoo sa amin ba talaga ang kompanyang yon? Nabalik ang wisyo ko ng tumikhim ito.

"Okay ka lang" concern nitong tanong.

"Oo! Salamat" tumango na din ako sa kanya "San nga pala ang meeting mo kanina?" Pag iiba ko ng usapan sa kanya. Hindi kasi niya ako isinama,not that I am looking forward to be with him.

Naupo na ulit ito ng maayos sa tabi ko at humarap sa unahan. Akala ko nga hindi na niya ako sasagutin dahil dumaan pa ang isang minuto bago ito sumagot.

"I went in the school with my little girls,may parents and teachers meeting kanina,I hope you don't mind?"

Little girls? May mga anak na siya? Akala ko ba single siya? Ibig sabihin nito may pamilya na siya?

Bigla ay pakiramdam ko may tumalon mula sa aking dibdib at nahirapan akong huminga.

Pero bakit inirereto ako ni mama kahit hindi niya direktahin na sabihin sa akin. Si Careen halos ipagtulakan na niya ako kay Leo. Hindi kaya ay hiwalay ito sa ina ng mga anak niya kaya ganoon? Bakit masaya ako sa isipin na yon? Tama nga kaya ang hinala ni Careen?

Love ko na nga ba siya? O baka naman gusto ko lang siya? Hindi ko lang nga siguro maamin sa sarili ko.

"M...may...an...."

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita na ang driver namin.

"Ma'am,Sir! Andito na po tayo"

Bago pa ako makahuma sa mga narinig ko mula sa kanya ay maagap na niya akong inalalayan sa pagbaba ng sasakyan. Ipinulupot din nito ang braso sa aking bewang. Nagulat pa ako sa paglapit ng labi nito sa aking tenga na naging sanhi ng pag iinit ng mukha ko.

Why is he this close to me?

"Relax Raphie! Kasama mo ako okay?" Dahan dahan ay tumango ako sa kanya "and by the way,you will be introduce as my fiance"

Past is the presentWhere stories live. Discover now