Chapter seven

2.4K 87 3
                                    

Ewan ko ba at mas lalo yata akong naguluhan sa nga sinabi sa akin ni tita Yta kaninang lunch. Hindi ko na tuloy nagalaw ang pagkain ko,mabuti nalang at may tumawag sa kanya kaya nabaling doon ang atensyon niya.

Hindi na rin naman ako makapag concentrate sa trabaho dahil kanina pa hindi bumabalik si Leo. Kanina pa dapat siya andito pero alas tres na ng hapon ay wala pa rin ito. Pagpirma sa kontrata nalang naman ang aasikasuhin niya pero anong oras na ay wala pa rin ito. Siguro nga dapat ay sumama na ako sa kanya kanina,nakakasigurado pa akong makakabalik kami ng trabaho after lunch break. 

"Para sayo"

Mula sa kamay na naglapag ng plastic bag ay nilakbay ng mata ko iyon hanggang sa mabungaran ko ang kabuuan ng taong nasa harapan ko ngayon. Nakatayo ito sa harap ng table ko,nangunot nalang bigla ang noo ko na pinagtaka ko,mas lalo na ang mga salitang lumabas sa akin ng makita ko ang mga mata niyang mukhang guilty sa isang kasalanan na ginawa nito patalikod sa akin. There is something inside me na nagpupumilit lumabas.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa dapat nakabalik,anong oras na?" tumingin ako sa relo ko "it's three forty nine na ng hapon,lunch meeting lang dapat di ba? Don't tell me pati meryenda time sinulit nyo na din,kanina pa ako naghihintay sayo dito ah,alam mo bang nag aalala na ako kasi akala ko may nangyari na sayong masama,tapos ano to?" Turo ko sa plastic bag na nilapag niya kanina "suhol? Akala mo ba madadala mo ako ng mga pasuhol suhol mong iyan? Hindi! Nakakainis ka pinagaalala mo ako alam mo ba iyon? "Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko ng sumilay ang pag aalala sa kanyang mukha. I felt like I'm posess of a bad spirit. Hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa mga salitang lumalabas sa aking labi "But I would doubt it kung alam mo,dahil wala ka nga dito,kasi kasama mo ang babaeng iyon,nagsisisi na tuloy ako na sana sumama nalang ako sayo para alam ko ang ginagawa mo,tumalikod lang ako may babae ka na,sabi mo ako lang bakit may babae kang kasama? Ayoko na sayo,sasaktan mo lang ako.....aaahhh"

Nabaling ang mukha ko sa kaliwang bahagi ng lumapat ang palad nito sa pisngi ko,hindi naman malakas ang pagkakasampal nito sa akin ay para akong natauhan. Napuno bigla ng galit ang dibdib ko sa ginawa niya sa aking pag sampal.
"Why did you do that" sapo ang pisnging nasaktan.

"Y..you were out of your sanity awhile ago,nagulat lang ako,I'm sorry! I got so worried I don't think properly"

Nabanaag ko ang pag aalala sa mukha nito,parang bulang naglaho din ang kanina ay galit na naramdaman ko sa kanya. Pero bigla naman ang pagsalakay ng sobrang sakit ng ulo ko. Naisabunot ko ang aking dalawang kamay sa aking buhok,sobrang sakit ng aking ulo at hindi ko maintindihan kung bakit ako nagakakaganito na namang muli. Akala ko wala na,bakit nagkakaganito na naman?

I looked at him,na parang nanghihingi ng saklolo,I can't explain the reaction I am seeing in his face right now dahil sa halo halong emosyon ang nakapaloob dito.

"Raphie,what is going on?"

"Raphie,answer me"

"Raphie,say something"

"Aaahhh....help me please..help me. ..ang sakit...ang sakit sakit...aahhh..Please do something..."

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin,may kung ano anong mga anino akong nakikita,may mga boses din na hindi ko kilala pero pamilyar sa aking pandinig at may iyak ng baby akong naririnig. Parang kasing bilis ng tibok ng puso ko ang pagtibok ng bahagi ng aking ulo para na itong sasabog sa sobrang dami ng gumugulo sa kaibuturan ng aking utak.

"Sera,baby ko! Tatawag lang ako ng ambulansya"

"Tita! Tita Tita Yta!"

Pinilit kong ibuka ang aking mga mata pero nasisislaw ako sa liwanag.

Past is the presentWhere stories live. Discover now