Dirty #3

18.6K 338 3
                                    

"Kuya, thank you po talaga sa lahat ha? Sa pag-intindi sa akin" sabi ko kay Kuya ng marating namin ang bahay.



"Iniintindi kita kasi kapatid kita at alam kong alam mo rin na kapag hindi mo pa ito sasabihin kina mommy ako mismo ang magsasabi sa kanya" aniya. Ngumiti ako at niyakap siya. Alam ko naman iyon, kaya nga hinahanda ko na ang sarili ko.



"Alam ko naman iyon kuya basta ipangako mo sa akin na hindi mo ako pangungunahan" tinignan ko si Bench ng lumabas siya ng sasakyan at karga ang natutulog kong anak.



"Bench, pwede mo bang ipasok na si Michael sa kwarto namin? Mag- uusap lang kami ni kuya" sabi ko sa kanya na ikinatango niya. I mouthed my thank you bago binalingan si Kuya.



"Is it okay with you if we will talk?" tanong ko dito. Alam ko naman na marami siyang tanong sa akin kaya pagbibigyan kita. Tumango si kuya kaya pinapasok ko siya sa loob ng bahay at pumunta kami sa likod kung saan andoon ang garden. Itong bahay na ito ay ang naipundar naming apat.



"Bakit mo itinago sa amin ang lahat ng ito Ella?" Umupo ako at tumingala sa langit kung saan kita ko ang mga bituin na nagsisilbing liwanag ng gabing ito.



"Dahil alam kong hindi mo matatanggap ang katangahang ginawa ko. Hindi mo matatanggap na ang kapatid mong inalagaan ay trinatong basura lamang ng ibang tao..." umupo si kuya sa tabi ko at ipinaharap sa kanya.



"Sabihin mo sa akin kung sino ang may gawa niyon" maawtoridad na saad niya pero umiling ako. Kuya knows him—he really knows him dahil magkaibigan sila. Bench, Greg and my brother are best friends kaya alam ko na kapag nalaman niya iyon masisira ang pagkakaibigan nila. When me and Bench has a relationship okay lang sa kanya dahil alam niyang mabait itong tao pero dumating ang araw na nagbago ang lahat ng maghiwalay kami. They fought but at the end they still ended up forgiving each other. Until me and Greg entered into a relationship na si Bench lang ang nakakaalam. Oo alam ko naman na ang pangit tignan but this is love. No one can resist it when cupid already hit you. At alam kong kapag nalaman niya na si Greg ang may gawa. He will forget their friendship and loathe him to the hell.



"Kuya, he doesn't matter anymore. He fathered my child but that's it. Our relationship is just like a rope that we used during... alam mo na" I said awkwardly. Syempre nakakahiya parin lalo na at kapatid ko siya.



"Okay I will understand but I just want to remind you Ella. Dad will be home from his business trip this Friday which is 3 days left and I want you to be there at house because we will be having our dinner together... again and of course, mom misses you" I cried when I heard about mom. How I miss her pero naging selfish ako at lumayo sa kanya.



"Tell her kuya that I'll be home and of course, I will give her a surprise. And that's Michael" natatawang sabi ko dito. Niyakap naman ako ni Kuya. Ito iyong namimiss ko sa buhay ko, ang magkaroon ng kapatid na dadamayan ako. Alam ko naman na naibibigay ng mga kaibigan ko ang pangungulila ko pero iba parin kapag kapatid mo ang kausap mo.



"Okay lang ba sa iyo if pupunta ako dito bukas, I want to spend some time with my nephew" natawa ako at tumango.



"Of course Kuya, he would gladly want that too. For sure matutuwa iyon" nagkwentuhan pa kami ng Kuya ng mga kung ano- ano. Tungkol sa nangyari sa kanya sa nakaraang siyam na buwan na nawala ako. Masaya ako ngayon, dahil kahit papaano ay nakahanap ako ng kakampi kung sakaling... malaman niya.



"Bro" lumingon ako sa may pintuan at doon nakita ko si Bench. Pinalapit ko siya sa amin at umupo naman siya sa tabi ko.



"Bench, salamat ha? Sa pag- aalaga nitong kapatid ko at sa anak niya. Sana sinabi mo sa akin para hindi ka na mahirap" ani ni Kuya na ikinatawa ni Bench.



"I love taking care of her and you know that bro. Hindi mo lang kasi ako binigyan noon ng panahon para makapagpaliwanag. We broke up not because we cheated or we don't love each other its just that... life change" tumango ako. Naghiwalay kami dahil minahal ko si Greg. Alam niya iyon pero wala siyang ginawa ng kung ano para hindi ko na mahalin si Greg instead he helped me and that's the craziest thing he did that caused him to feel regret dahil Greg ruined me and that's the truth.



"Hindi ko na tatanungin kung bakit dahil alam ko naman na Masaya na kayo ngayon" ani ni Kuya. After that topic we ended talking non sense. Iyong mga dini- date nila at kung ano ang nangyayari and of course isa ito sa mga na miss ko. Nakakadiri man pakinggan na tungkol sa sex ang pinag- uusapan nila wala akong paki dahil alam ko naman na they know me well, they are the one who educated me about those things para daw hindi ako maging inosente.



"Nga pala Bro, I remembered. May stug party pala si Greg bukas?" I froze. What does he mean? Tinignan ako ni Bench pero umiling lamang ako. He knows that Greg is the father of Michael at naiintindihan ko si Kuya.



"Really? Kanino naman siya ikakasal?" Tanong ni Bench kay Kuya. Nakinig lang ako sa dalawa.



"He said that he will marry one of the Evangelista" Napasinghap ako. Alam ko naman na may namamagitan sa dalawa pero hindi ko alam na they will ended up marrying each other.



"Okay ka lang?" Tanong ni Kuya ng mapansin niyang namumutla ako. I just nodded.



"Kuya, I'll go na ha? Baka hinahanap na ako ni Michael. See you tomorrow. And Bench thanks for the day. See you when I see you" I kissed them both and wave my good bye. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kwarto namin ni Michael. Hinihingal ako. I don't know. Tama ba itong nararamdaman ko? Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Oo binaboy niya ako, he treat me like I'm not a human but I still love him. Siya ang ama ng anak ko. May karapatan kami sa kanya pero alam ko naman na I shouldn't act like I am his wife because I know that I am just his slave who he can dominate. Sad but true.

****

Aloha, Salamat sa paghihintay nitong update ko. Talagang ang dami ko lang ginagawa tsaka may ibang stories din akong i-uupdate. Sana mag- ingay naman kayo. 


Follow me:

FBPage: Zels Emyaj

Instagram: xxjoecelxx

Facebook: EmyajZels

Usap- usap din tayo pag may time. Lagi naman akong update sa fb though hanggang 12 am - 12 pm lang. 



The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now