Dirty #15

14.7K 225 19
                                    


Actually, I am planning to end this story, why? Hmmm it's just that my plot didn't turns out how it would be. Actually my chapter 14 [Dirty #14] isn't the real plot of it but since I already wrote it so I decided to end this so that I can start the other one and I hope you will like this one. And besides, I am still not sure of this, Just a note anyways.


****

Hanggang ngayon ay hindi parin nag sink in sa akin ang lahat. I know last night he is sincere pero... Napabuntong hininga na lamang ako. I still have it. Doubts. Dahil kung totoo ito ay bakit niya ako hinayaan na babuyin ni Alliana? Bakit kailangan pa akong madamay sa mga choices niya?


Napapailing na lamang ako. Maybe, he is sincere pero hindi talaga ganoon dahil sana sinabi niya ang tungkol kay Alliana. -- Yes, let us say that Alliana helped them pero damay ba ako? Kaya ba nagawa niya iyon para hindi ko na balikan si Greg dahil sa ginawa nito sa akin? Ang daming tanong at alam kong si Greg lang ang makakasagot noon.


Tumayo na ako sa kama at pinuntahan si Greg, I know that he is with Michael kaya naman dumiritso na ako sa entertainment room pero ng makarating ako doon ay si Michael lang ang naabutan ko. Kaya nilapitan ko ito.


"Honey where is your dad?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.


"He is in his office mom" tumango ako at tumayo na, kung gusto niyang magkaayos kami ay kailangan niya akong kausapin. Ng makarating ako sa office niya ay hindi ko maiwasang kabahan.


Damn Ella! Ngayon pa ba ha? Ngayon ka pa ba kakabahan? Shit.


Nagbuntong hininga na muna ako bago kumatok, nakatatlong katok ako ng nagsalita na siya.


"Pasok" kaya binuksan ko ang pinto at pumasok. Pinasadahan ko siya ng tingin. Bakit ko ba nakalimutan na minahal ko siya? Alam ko naman na natatabunan lang ng galit ang pag- ibig ko sa kanya. Buong buhay ko kinamuhian ko siya sa ginawa niya sa akin pero ng nasa kamay ko na ang annulment paper ay hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit kami humantong doon. At kasabay noon ay ang napagtanto kong mahal ko naman talaga siya.


"What do you want?" His voice is cold and I know why. He cried last night. Matapos niyang mag walk out ay sinundan ko siya only to find him in his own room crying and throwing all his things inside. Gusto ko siyang patigilin pero natatakot ako na baka sabihin niya sa aking bakit makikialam ako sa kanya gayong wala na kami. Mas masakit kasi iyong pinamukha niya talaga.


"I..." huminga ako ng malalim. "I want to talk to you" tumaas ang kilay niya.


"About?" aniya at tumalikod sa akin. Sa kanyang pwesto ay mas kita ang tanawin ng dagat na kahit nag- iisang isla ito ay maganda parin.


"Last night" humarap siya at tinitigan ako, napayuko naman ako at muling nagsalita.


"May hindi ka kasi sinabi sa akin" tumaas ulit ang kilay niya.


"Tungkol sa ginawa ni Alliana sa akin" straight kung sabi sa kanya kahit na parang may bumara sa lalamunan ko.

The Dirty Night (Run Away Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat