Flashback #3

9.2K 136 1
                                    


"Princess, lunch is already served. Lumabas ka na diyan kug ayaw mong ako ang--" nagmamadali akong tumayo at binuksan ang pintuan.


"Ano ba ang kailangan mo?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Kanina pa niya kasi iyon ginagawa at nakakirita na.


"Let's eat" akmang isasarado ko na naman ang pintuan ng walang sabi- sabing binuhat niya ako. Damn! Is he serious?


"Put me down Greg!" pero hindi parin siya nakinig sa akin kaya naman ay inagpapalo ko siya pero wala parin. Kaya hinayaan ko na lamang siya.


Ng ibaba niya ako ay hindi ko maiwasang mapatitig sa matipuno niyang katawan. Bakat- na bakat kasi ito dahil sa suot niyang manipis na puting t- shirt. Damn! Nagkakasala talaga ako sa lalaking ito.


"Bench called me and asked me to go with you. Saan ba ang punta mo?" hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lamang ang pagkain ko pero nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko.


"A-ano ba?!" Damn nauutal pa ako.


"Tinatanong kita" mahinahon niyang sabi kaya naman ay sinagot ko na.


"Kina Catherine sana, gagala sana kami kaya lang wala naman si Bench kaya dito nalang ako sa bahay" plain na sabi ko at kumain na ulit.


"Pwede naman sigurong ihatid kita diba?" umiling na ako. I already texted the three girls na hindi ako pwede kaya alam kong kanina pa sila nakaalis.


"Hindi na, sinabihan ko na naman din sila na hindi ako makakasama"


"Then, sama ka sa akin. Gala tayo, may alam akong magandang lugar" tinitigan ko siya.


"C'mon Ella, I am still your Kuya Greg, tsaka para hindi na din mag- alala ang kuya mo, we can call them para makapagpaalam. Since they're not here magbakasyon din tayo" napaisip naman ako sa sinabi niya. Pwede din naman iyon since bored na rin ako sa bahay. Hindi ko na muna iisipin na naiinis ako sa kanya.


Tsaka isa pa, bakit ba ako naiinis sa taong 'to? Wala naman siyang ginawa sa akin. Nag o-over react lang ako.


"Okay, let me call my kuya... saan ba tayo pupunta?" kinuha ko ang phone ko and dialed kuya's number.


"Sa Cebu" tumango na lamang ako.


[Hello?] napangiti ako ng marinig ko ang nag- aalalang boses ni Kuya.


"Hi Kuya, magpapaalam lang sana ako na magbakasyon kasama si Kuya Greg sa Cebu" napalingon ako sa kanya habang sinasabi ang Kuya Greg, ayaw kong tawagin siyang Greg kapag si Kuya ang kausap ko.


[Hmm yeah sure, mas mabuti nga iyon atleast makapagbonding din kayo. Pwede bang ibigay mo muna kay Greg ang phone?] nilingon ko si Greg at binigay sa kanya ang phone tsaka umalis na papuntang kwarto para maghanda.


Ng matapos na ako, ay agad akong naligo lalo na ng marinig ko si Greg na sinasabi na ngayon kami aalis.


"Ilang araw ba ang stay natin doon?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang mga gamit ko papasok sa kotse niya.


"Uhm we will stay there for 3 days. Bali two nights and three days tayo doon" tumango na lamang ako at pumasok na sa sasakyan niya. Excited ako sa pupuntahan namin.


Habang nasa byahe papuntang airport ay hindi ko siya pinapansin, nakatingin lamang ako sa phone ko at nag fa- facebook. I am looking for a good place in Cebu kung saan kami pwedeng magbakasyon.


May idea naman ako kaya lang, I am looking for another place. Nakapunta na din kasi ako sa Bantayan Island noong minsang nagbakasyon ang parents ko dito kaya naman ngayong babalik ulit kami sa Cebu I want another place.


"So saan tayo mag sta-stay?" tanong ko kay Greg pero hindi ko parin ito nililingon.


"May kakilala ako doon na namamahala ng isang resort siguro doon na muna tayo." tumango na lamang ako at nagtitingin na din sa news feed ko.


"Pero we can stay in the waterfront hotel para makapagpahinga na din kung gusto mo" napalingon ako sa kanya. It's a great idea kaya lang ay gusto ko ng makapunta sa pupuntahan naming resort.


"Oh please Greg, diritso na tayo doon please, pwede namang sa sasakyan nalang ako matulog" umiling- iling siya sa akin pero ngumisi na din tsaka tumango.


Pasado alas tres na ng makarating kami sa NAIA, agad namang sumalubong sa amin ang isang babaeng sa tingin ko ay secretary.


"Uhm sir, this is the ticket and your passport. Flight niyo na po within an hour kaya kailangan niyo na pong pumasok" tinignan ko iyong babae at naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang lagkit ng tingin niya kay Greg na para bang hindi niya alam na may kasama ang boss niya.


"Thank you Anna, we better go now" Hinawakan ni Greg ang kamay ko at ganoon na lamang ang tambol sa puso ko ng maglapat ang mga palad namin. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nararamdaman ko sa ngayon. Hindi ko naman kasi ito nararamdaman kay Bench-- damn! Bakit ba lagi ko silang kinokompara? Kainis na naman eh!


"You okay?" Tumango na lamang ako at nagpatianod sa kanya. Bahala na nga itong nararamdaman ko, siguro ay excited lang akong makapagbakasyon kaya iyon nagiging ganito. Hmp!

The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now