Flashback #5

8.6K 136 1
                                    


"Hey wake up, were almost there" naalimpungatan ako at ng ibukas ko ang mga mata ko ay halos napalunok ako. Paano ba naman, ang lapit- lapit ng mukha niya sa akin.


Itutulak ko na sana siya kaya lang ay biglang nag bump ang sinasakyan namin at halos manlaki ang mata ko ng... naglapat ang mga labi namin.


Nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Andito na naman iyong pakiramdam, hindi ko alam pero--


"I wont say sorry for that kiss because it's not my fault. Kasalanan iyon ng daan" aniya at umayos na ng upo habang ako naman ay ganoon parin ang posisyon ko. Nangyari ba talaga iyon?


"Fix your self Ella, I didnt rape you for you to react that way, and I know that its not even your first kiss" napa- ayos naman ako ng upo. I know its not my first but--


"Were here, get your things" nagbuntong hininga na lamang ako at kinuha ang gamit ko tsaka bumaba na ng bus. Hindi naman ako pinapansin ni Greg at hindi ko alam kung bakit.


"Hey bro" agad akong napalingon kay Greg at nakita kong kausap niya iyong kaibigan niya. Nagkibit balikat na lamang ako at inilibot ang mga mata ko sa lugar.


Welcome to Hidden Valley Mountain and Wave Pool Resort


Napangisi ako sa nabasa ko, it's a wave pool naman pala and I'm sure na mag e-enjoy ako.


"Let's go Ella, we need to go. I know that you are excited to spend your vacation" ngumiti ako at naglakad na palapit sa kanila. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapangaha sa lugar. Napakaganda kasi tsaka medyo marami din tao dahil summer nga.


"Anyway guys, since marami talagang tao dito kaya isang room lang ang na reserve namin para sa inyong dalawa" napalingon ako sa kaibigan ni Greg at napalunok.


"Y-you mean sa iisang kwarto kami?" paninigurado ko. Tumango naman ito at naglakad na.


"Scared?" sinamaan ko ng tingin si Greg. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nangyayari sa akin. Tama pa ba ito?


"Since it is already 5 pm, let's have our early dinner before swimming and if you want we can go to Kawasan falls, too we need to travel again tomorrow" nang marinig ko ang falls ay agad na nag ningning ang tenga ko.


"Sure" parang nawala ang takot ko kanina na makasama siya sa isang kwarto dahil napalitan iyon ng excitement. Kahit na alam ko na bukas pa iyon.


"Here's your room guys, kamo na ang bahala" tumango si Greg at pumasok na, kaya pumasok na din ako. Nilibot ko ang tingin ko at napangiti ako ng makitang dalawa ang bed.


Buti naman at may isang good news pa sa akin.


"Dito ako sa left at ikaw diyan okay?" sabi ko at agad na nag dive sa kama ko. Hmm ang sarap sa pakiramdam.


The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now