Flashback #6

8.3K 129 1
                                    


"Greg" mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at ngitian ako mpagkatapos ay binaling na naman niya ang tingin niya sa babaeng kausap niya.


It's a foreigner at alam kong ngayon lang sila nagkakilala pero kung makapag- usap sila ay parang hindi niya ako kasama.


Second day na pala namin ngayon ni Greg at bukas naman ay aalis na kami pabalik ng Manila. And of course, gaya ng napag- usapan ay nasa Kawasan Falls kami ngayon ni Greg.


Naningkit ang mga mata ko ng makita kong wala talaga siyang planong itigil ang pag- uusap nila ng babae kaya naman ay lumapit na ako.


"Hi Honey" nakangiti kong sabi at tinignan pa from head to feet ang babae. Alam ko na maganda siya-- may lahi eh pero mas alam kong maganda ako kahit pure pinay ako.


"U-uh--" hindi ko pinatapos si Greg sa kung ano man ang sasabihin niya.


"Sorry ha, we need to go. Magpapasama kasi ako sa kanya doon" sabi ko at hinila na si Greg. Noong una ay nagpahila naman siya sa akin pero ng makalayo- layo kami ay halos madapa ako ng bigla na akong hinigit at hinapit palapit sa kanya. Doon ko lang napag tanto kung ano ang ginawa ko.


Titig na titig siya sa akin kaya naman ay umiwas na ako, para kasi akong nalulunod sa mga titig niya.


"What did you do Ella?"mahinahon niyang sabi ngunit sa bawat bigkas ay may pagkadiin.


"Do you know how pissed I am right now? That woman is my classmate in U.S and you just shut her... that's a big no to me Ella" napalunok na naman ako, alam ko naman na mali ako eh pero... nagseselos kasi ako.


"S-sorry" nauutal ko pang sabi sa kanya kaya lang ay umiling ito at ngumisi.


"It's already done, now I will punish you" nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla na lamang niya akong kinabig at hinalikan. Damn! For pete's sake were in public areas.


"Uhhh!" Kulang nalang ay batukan ko ang sarili ko dahil sa nasasarapan ako sa ginagawa ni Greg. Ipupulupot ko na sana ang aking mga kamay sa kanyang leeg ngunit hindi ko na iyon nagawa dahil umalis na si Greg sa harapan ko.


"See ya'h!" aniya pa at tatawa- tawang umalis habang ako naman ay napatulala na lamang. Maybe mali ako, hindi ako nahuhulog sa kanya dahil ngayon palang... hulog na hulog na ako sa kanya at hindi pwede 'yon! Dammit.


"ELLA?" napakurap ako at agad na nilingon si Bench.


"S-sorry" napayuko ako, magmula ng makauwi kami galing Cebu ay hindi ko na siya na kita at aaminin ko na namimiss ko na siya. Matapos ang halikang iyon ay wala ng sumunod pa dahil umiwas na ako sa kanya. Ni hindi na kami nag- usap at ng makarating kami sa Manila ay dumiritso naman siya sa US dahil may aasikasuhin daw siya doon.


"Okay ka lang ba? Lagi ka nalang kasing tulala magmula ng makauwi kayo, may nangyari ba?" agad akong umiling.


"W-wala, masama lang talaga ang pakiramdam ko" sabi ko sa kanya. Ayaw kong magsinungaling pero hindi ko naman pwedeng sabihin na namimiss ko si Greg kaya ako nandito. It's been a week na hindi siya nagpakita sa amin.


"Ganoon ba? Let's go, iuuwi na kita" ngitian ko siya ng malungkot at sumunod na, kahit na gusto kong mag stay ay alam kong hindi ko kaya dahil nga namimiss ko na siya.


"Sorry Bench" sabi ko pa dito ng makarating na kami sa bahay. Tumango lamang siya at hinalikan ako sa noo bago umalis, nanghihinayang man ay pumasok na ako sa bahay. Wala pa si Kuya dahil may kailangan siyang ayusin sa companya ni Daddy.


"Didn't you miss me?" Agad na napaangat ako ng tingin at walang sabi- sabing yumakap sa kanya at hinalikan siya. Narinig ko naman siyang tumawa pero wala nagpatuloy na din kami. Ipinulupot ko ang legs ko sa kanyang bewang at mas nilaliman ang halik ko sa kanya.


Para kaming uhaw na uhaw sa isa't- isa. Ang mga kamay niya ay nakasuporta lamang sa aking pang- upo at ganoon parin kami, nakatayo sa harapan ng pinto.


"Ahhh!" I moaned when his kisses went to my neck.


"ELLA! GREG!" Muntik na akong mahulog sa pagkakakarga kay Greg ng marinig namin ang galit na boses ni Bench. Bumaba ako at nilingon siya ngunit agad naman akong napatili ng bigla niyang sinuntok si Greg.


"Bench! Tama na!" Sigaw lamang ako ng sigaw hanggang sa tumigil na si Bench. Napaiyak na lamang ako ng tinignan ako nito na may pandidiri.


"I hate you Ella! Traitor!" sigaw niya at agad na lumabas sinundan ko ito pero hinawakan ni Greg ang braso ko para pigilan ako.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako pero alam kong mas masakit ito kay Bench, tama naman siya, trinaydor namin siya ni Greg pero kasalanan bang mahulog ako sa iba?


Hindi ko na alam!

The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now