Dirty #9

16.1K 252 8
                                    


Isang linggo na ang nakalipas at nakakulong parin ako sa bahay na ito. Hindi ko naman sinasabi na binababoy niya ako dahil inaalagaan niya talaga ako kaya lang ay hindi ko kaya ang ginagawa niya sa akin. I miss my son at alam kong hinahanap na din ako ng anak ko kaya lang hindi ko kayang ibigay sa kanya ang hinihingi niya.



One big happy family.



Yes, iyan ang hinihingi niya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na din siya maintindihan dahil lagi niyang pinaparamdam sa akin na ako parin ang laman ng puso niya pero sa ngayon ay ayaw ko na. Hindi ko ata kayang makasama ang isang katulad niya.



Kahapon nga ay ang engagement party nila at wala nga siya dito sa bahay na ito. Hindi naman ako nag- iisa pero mas gusto ko nalang mag- isa kaysa may mga kasama akong laging nakamata sa akin. Hindi ko alam pero nakakainis na ginagawa niya akong preso dito sa bahay niya.
Worst is, sa isla pa.



"Ma'am, katatawag lang po ni Sir sabi niya ay matulog na daw po kayo" napabuntong hininga na lamang ako at pumasok sa kwarto, wala din naman akong ginagawa dito so why do I need to disobey them? Nakaka bored na itong bahay niya!



Matapos maligo ay humiga na ako sa kama, I wont mind if I am wearing nothing under my sheets dahil wala akong ibang maisip talaga. Sa halos isang linggo kong walang ginagawa ay para akong tinatamad sa lahat ng bagay.



Nakatingin lamang ako sa itaas at iniisip ang mga nangyari sa buhay ko. Nakakatawa lang dahil noon palang ay kasama ko pa si Bench at iniisip pa namin kung ano ang kailangan kong gamitin sa paglilipat ko sa bahay niya pero ito ako ngayon, nakatanga lamang at walang ibang iniisip.



Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang isang gabing sagutan namin ni Greg.



"Ano pa ba ang kailangan mo sa akin Greg? Nagpakaputa na ako para sayo pero ito ka at kinukulong mo parin ako sa bahay mo! Pwede mo naman akong pakawalan at kung kailangan mo na naman ng puta ay dadating ako please... ibalik mo lang ang anak ko sa akin" nakaluhod ako sa harapan ni Greg. Sabi niya sa akin I need to rest atleast a week pero mamamatay ako sa pag- aalala sa anak ko. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari kay Michael.


"Diba sabi ko naman ay na kay Justine siya? Bakit ba ayaw mong maniwala? huh?" malumanay parin ang boses niya hindi na kagaya noon na kapag nagagalit siya ay para siyang lion na hindi pinakain ng isang taon.


"Ayaw kong maniwala dahil hindi ako mapapakali hanggat hindi ko nakikita ang anak ko. Diba sinabi ko naman sa'yo ibibigay ko na ang annulment mo para makalaya kana at magpakasal na kayo ni Alliana... please, pakawalan mo na ako" tumalikod siya sa akin at agad na kumuha ng alak, alam ko naman na naiinis na siya sa akin.


Kahit naman kasi nakahiga pa ako ay hindi ko siya tinitigilan sa pakikipag- usap sa kanya na iuwi na ako sa amin at laging itong annulment na sinasabi ko ang nagiging dahilan para talikuran niya ako.

The Dirty Night (Run Away Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang