Flashback #7

8.3K 133 6
                                    

It's been a week since that day at hanggang ngayon ay hindi parin nagpapakita si Bench sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin Ella, nag- away ba kayo ni Bench?" Agad akong napalingon kay kuya. Nasa hapag kainan kaming dalawa ngayon.

"H-hindi kuya busy lang talaga siya" sagot ko sa tanong niya. Hindi ko man gustong magsinungaling sa kanya ay wala akong magagawa dahil na dinayaw kong malaman ni kuya ang nangyari. Naiinis kasi ko sa sarili ko dahil hinayaan ko si Greg at nasaktan ko si Bench.


"Hmm, siguro nga. How about Greg do you know where he is?" ani naman ni Kuya, umiling na lamang ako. Isa pa ang lalaking iyon, isang linggo na din siyang walang paramdaman sa akin.


"Nasa'n kaya ang mga iyon? Ni hindi man lang nakapagpaalam sa akin" ani pa ni kuya. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nakakainis naman kasi, hindi man lang nagpaparamdaman sa akin si Greg at talagang kinakabahan na ako.


"Good morning" agad akong napalingon sa pinto at doon nakita ko si Bench at si Greg na sabay pang pumasok. Napaiwas ako ng tingin kay Bench. Nahihiya kasi ako sa kanya.


"Uhm Alfred, is it okay na kausapin ko muna si Ella?" Ani ni Bench kay kuya at hinawakan ang braso ko para mapasunod ako sa kanya.


Narating namin ang garden ng bahay. Agad siyang umupo sa damuhan kaya naman ay tinabihan ko siya.


"S-sorry" mahinang sabi ko at tinignan siya.


"H-hindi ko alam kung paano pero n-nahu--" hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.


"Nahulog ka sa kanya? Okay lang, naiintindihan ko naman pero masakit parin para sa akin ang ginawa niyo. Kaya naman papalayain na kita" napahikbi ako. Bench is such a good guy, aaminin ko na naging masaya ako sa piling niya.


"Mahal na mahal kita kaya alam kong mas sasaya ka kay Greg. Kaya lang, alam ko naman na ayaw ng kuya mo na maging kayo ni Greg" napatulala ako sa sinabi niya. Ramdam ko iyon noon paman dahil si Bench lang ang hinayaan niyang ligawan ako.


"Pero kung mahal ka talaga niya, tutulungan ko kayo" ngumiti ako at niyakap siya. I am so blessed that Bench is a nice guy, sana lang ay makita niya ang babaeng nakalaan sa kanya.


Matapos iyon ay nagpaalam na siya sa amin ni Kuya. Habang si Greg naman ay prenteng nakaupo sa sofa namin.


"Explain it to me Ella, nag- away ba kayo ni Bench?" napalunok ako ng makita kong napalingon sa amin si Greg.


"Stop it Alfred, you--" hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil nagsalita ulit si Kuya.


"Stop it? You shut up Greg, kapag nalaman ko na ikaw ang dahilan ng away nila ay hindi ako magdadalawang isip na kalimutan ang pagkakaibigan namin" napaiyak na lamang ako, hindi ko alam pero ang sakit lang kasi. Mahal ko na si Greg pero alam kong hindi iyon matatanggap ni Kuya.


"K-kuya, wala siyang kinalaman okay? Hiwalay na kami ni Bench" nangmasabi ko iyon ay agad namang umalis si Kuya sa bahay at hindi ko na ito napigilan pa. Nilingon ko si Greg at nangmakita ako nitong nakatitig sa kanya ay lumapit siya sa akin at kinarga ako.


"Time's up baby, you need to rest" aniya at inihiga ako sa kama ko tsaka hinalikan sa aking noo.


At simula ng araw na iyon ay maraming nangyari. Nasuntok ni Kuya si Bench dahil akala niya ay niloloko ako ni Bench pero we explained that we didn't worked out. Na hanggang doon nalang talaga ang relasyon naming dalawa and on the other hand si Greg naman at ako ay officially relationship na at sa tulong iyon ni Bench.


Masaya ako dahil kahit patago ay nararamdaman kong mahal ako ni Greg. He even respected me alot. Kapag nasa bahay naman kami ay lagi akong nagpapa cute sa kanya kaya naman ay lagi akong nasa kwarto dahil naiinis si Kuya na makita akong nagpapacute kay Greg.


"Mahiya ka naman Ella! May bisita tayo!" ani pa ng kuya ko pero kung alam niya lang, malamang sa malamang ay hindi na makakatapak si Greg sa bahay namin.



It's our first monthsary at si Greg naman ay inaya akong mag dinner. Noong una ay ayaw pumayag ni Kuya but when Greg explained na it's just a sister- brother date ay pumayag na siya.


Magkikita lang kami sa restaurant na pag- aari ng pamilya nila kaya naman ay alas singko palang pumunta na ako. Hindi sa excited ako pero kasi, mas mabuti ng maaga at baka ma stock ako sa traffic.


Ng makarating ako ay halos hindi maampat ang ngiti ko sa mga labi. Masaya talaga ako dahil sa wakas ay magkakaroon na kami ng first ever dinner date. Actually, bukas pa sana ang sinabi niyang dinner date namin kaya lang kanina ay ti-next niya akong ngayon nalang daw dahil dadating ang mommy niya bukas at baka maging busy siya.


Papasok na sana ako ng restaurant ng makita ko si Greg kasama ang isang babae. Noong una ay akala ko kaibigan niya pero ng makalabas na ang babae sa sasakyan ay bigla na lamang itong hinalikan ni Greg at hindi lang basta isang halik kundi laplapan.


Kaya sa inis ko ay agad kong pinuntahan si Greg at hinampas siya sa balikat.


"Wha the hell!" aniya at nilingon ako. Napakunot ang noo nito ng makita ako at ang ayos ko.


"Anong ginagawa mo dito?" aniya.


"Kakain halata ba? Tsaka ikaw ano ang ginagawa mo kasama ang babaeng iyan? Akala ko ba kakain tayo ng dinner ngayon! Pero bakit siya ang kasama mo?!" Nilingon ko iyong babae at kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa ako nakabulagta dito.


"Excuse me miss ha? Sino ka ba at kaano- ano mo si Greg?" napataas ang kilay ko.


"I am Ella, Greg's girlfriend. Ikaw sino ka din?" Akmang sasagot na sana ang babae ng nagsalita si Greg.


"Stop it Ella, hindi ka na nakakatawa. Babe..." Binalingan nito ang babae at pinulupot niya ang kanyang mga braso sa bewang ng babae.


"Don't mind her, she is just my friend. Alfred sister remember?" nanlumo naman ako sa sinabi niya. A-ano 'to? Pinag lalaruan lang ba niya ako? Ito ba ang karma ko sa ginawa ko kay Bench?


"Oh, your little sister huh! Oh well, baka nasobrahan sa kakaalaga mo kaya naging assumera na ngayon" pinanlilisikan ko ng mga mata si Greg. Ngumisi lamang ito at pinauna na ang babae sa loob ng restaurant.


"Go home now Ella" ng akmang aalis na siya ay pinigilan ko. Hindi pa kami tapos mag- usap.


"I hate you Greg. At tapos na tayo" sabi ko at sinampal siya bago nagmamadaling umalis ng lugar na iyon. Ang sakit lang dahil akala ko kasi okay kami. Akala ko kasi totoo na iyon pala laro lang ang lahat. Kung sana hindi ako nagpadala. Kung sana nanatili lang ako kay Bench edi sana mas masaya pa ako ngayon.



The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now